Ni Len Armea
Kuha ni Jovelyn Bajo |
Siyam
na studio albums, isang Christmas album (“Jingle Balls Silent Night Holy Cow”),
dalawang live albums (“Inuman Sessions Volume 1 at 2”), hindi mabilang na hit
songs, awards at commercial endorsements ang ilan lamang sa mga nagawa ng
Parokya ni Edgar sa loob ng 20 taon. Subalit,
sa kanilang bagong inilabas na kanta na “Ang Parokya” ay mayroon isang linya
kung saan kanilang tahasang sinabi na hindi sila magaling bilang isang banda.
“Honestly
if you see all the other bands play on their musicality from Eraserheads to
Bamboo to Rivermaya to all the new bloods like Urbandub, Franco and Up Dharma,
maiintindihan niyo bakit sinasabi namin na ‘di kami magaling… We’re just being
honest, we’re not trying to be humble,” pag-amin ng bokalista ng banda na si
Chito Miranda.
“But
what we lack in talent, or our limitations, we make up with the passion and
dedication for the group,” pagbibigay-diin ni Chito.
At
ang kanilang dedikasyon sa pagbabanda at paglikha ng musika -- na maikukunsidera na alternative rock, pop
rock, acoustic rock, funk, at novelty -- ang nakita ng kanilang mga
tagasuporta. Sa katunayan, dinagsa ng fans ang launching ng kanilang DVD/CD
album sa Eastwood City kamakailan na pinamagatang “Bente” sa ilalim ng
Universal Records.
“It’s
overwhelming for us because we didn’t think that it would be a big deal. It’s
[Bente] just a rehash of a greatest hits album. Kung collector ka ng albums ng
Parokya, you already have all the songs. And we just came up with a CD that
collected all the other songs from the other albums. Nakakakilig na makita iyong
ganoong karaming tao na sumusuporta pa rin sa banda,” dagdag pa ni Chito.
Dalawang
klase ang Bente – 1 DVD/2 CD at 2 CD kung saan binubuo ng 28 music videos ng
banda at dalawang documentaries ang DVD habang mayroong 29 tracks ang
nakapaloob sa 2 CD kabilang na ang dalawang bagong kanta na “Ang Parokya” at
“Salamat Po.”
Ilan
sa mga kanta na napili ng banda para mapasama sa Bente ay ang mga kantang
“Buloy,” “Halaga,” “Maniwala ka Sana,” “Picha Pie,” “Bagsakan,” “Para Sayo,”
“Your Song,” “The Yes Yes Show,” “Pangarap Lang Kita,” “One Hit Combo,” at
“Macho.”
Walang Iwanan
Nabuo
noong 1993, ang Parokya ni Edgar ay kinabibilangan nina Chito Miranda (vocals),
Darius Semaña (lead guitar), Gab Chee Kee (rhythm guitar), Buwi Meneses (bass
guitar) at Dindin Moreno (drums) na magkakaibigan na bago pa man pumasok sa
industriya. Ang kanilang pagkakaibigan ang isa sa itinuturing ng Parokya na sikreto
kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin nabubuwag ang grupo.
“The
fact that we’re still together working tightly as a unit, still genuinely in
love with each other as a group, still creating music and still having fun, I
think, is an achievement in itself,” bulalas pa ni Chito.
Tulad
ng ibang banda, dumaan din ang Parokya sa ilang pagsubok. Kuwento ng grupo,
dumating din sila sa punto na nag-aaway, nagsusuntukan at muntik na rin silang
maghiwa-hiwalay ngunit sa huli ay nangibabaw ang respeto sa isa’t isa at
pagmamahal sa grupo at sa kanilang ginagawa.
“We
get into fights, it’s normal for a group. As group, you lost track of the
difficulties that you went through and the fact that we’re still together means
that we’ve weathered all the storms that came our way.”
Dagdag
pa ng drummer ng banda na si Dindin, natutuhan nila sa pagdaan ng panahon na huwag
seryosohin ang mga bagay.
“We
learn not to take things seriously. Kunwari may nagkamali habang tumutugtog,
lahat kami tatawa na lang.”
Nagsimula
sila na kinakaapos sa pamasahe, nanghihiram ng gitara kada gig, sa nagsasalo-salo sa
isang pitsel ng beer sa pagiging isa sa pinakasikat at pinakahinahangaang banda
sa Pilipinas ngayon, pinatunayan ng Parokya ni Edgar ang pagiging solido ng
grupo, na walang iwanan kahit na anong mangyari.
“Solid
kami as a group. We stick together. Hindi lang sa banda pero sa mga taong
nakakatrabaho namin – sa management team at maging sa recording label namin.
“We
are all good friends and it says a lot about the band and the people we work
with – never silang nang-iwan at never kaming nang-iwan.”
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento