Ni
Florenda Corpuz
Kuha mula sa DFA |
Hinihikayat ng Department of
Foreign Affairs (DFA) ang mga Overseas Filipino Workers (OFW) sa Japan na papalitan
na ang kanilang machine readable passports at non-machine readable passports ng
bagong e-Passport.
Sa isang pahayag, sinabi ng DFA
na ang lahat ng Pilipino na may hawak na kulay maroon (machine readable
passport) at kulay berdeng (non-machine readable passport) pasaporte ay
papayagan na lamang mag-extend ng validity nito hanggang Oktubre 31 ng
kasalukuyang taon.
“All Filipino nationals holding
machine readable-ready passports (MRRP; green passports) and machine readable
passports (MRP; maroon passports) will no longer be allowed to apply for an
extension of the validity of these passports after October 31, 2014.”
Ayon sa DFA, kailangang mag-apply
ng bagong e-Passport bago pa mawalan ng bisa ang hawak na maroon at berdeng
pasaporte upang maiwasan ang anumang problema at aberya sa mga ports of entry
sa buong mundo pagkatapos ng Oktubre 31, 2015. Ang mga ito ay kinakailangan din
na phased out na pagsapit ng Nobyembre 24, 2015.
Pinapaalalahanan din ng DFA ang
mga Pilipino sa mga alituntunin sa pag-apply ng extension ng validity ng mga
expiring at expired na pasaporte. Ang mga pasaporte na valid na lamang kulang
anim na buwan at ang mga expired na ay papayagan lamang na mag-extend ayon sa
mga sumusunod na kundisyon: kung namatayan ng kamag-anak, may medical emergency,
OFW na kailangang umalis agad para tumupad sa kanilang kontrata at OFWs sa
Middle East na uuwi na ng Pilipinas gamit ang final exit visa.
Ang bagong e-Passport ay bahagi
ng regulasyon ng DFA at alinsunod sa standards na itinakda ng International
Civil Aviation Organization (ICAO).
Para sa karagdagang impormasyon,
tumawag lamang sa Consular Section ng Embahada ng Pilipinas sa numerong (03)
5562-1607.
Nasa humigit kumulang 220,000
Pilipino ang kasalukuyang nasa Japan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento