Ni
Florenda Corpuz
Tiniyak ng pamahalaang Hapon na
ipagpapatuloy nito ang pagtulong sa Pilipinas sa pagsasagawa ng rehabilitasyon
at rekonstruksyon ng mga lugar na sinalanta ng bagyong Yolanda.
Ayon kay Philippine Ambassador to
Japan Manuel M. Lopez, sinabi sa kanya ni Japanese Foreign Minister Fumio
Kishida na ipagbigay alam lamang dito kung kailangan ng Pilipinas ng tulong mula
sa Japan.
“With regards to the commitment
of Japan to assist us not only in the relief but even in rehabilitation
efforts, I recall the Foreign Minister, when he came to the Embassy to sign the
condolence book, he mentioned to me, ‘If there is anything your country needs
just let us know,’” pahayag ni Lopez.
Sinabi rin ng ambassador na ang
parehong mensahe ay ipinarating din sa kanya ng Japanese parliamentarians.
“I suppose in this respect, if
our President will ask the Prime Minister for certain things that we badly need
right now, then maybe we can see Japan responding very quickly,” dagdag ni
Lopez.
Isa ang Japan sa mga bansa sa
international community na galanteng nagpapahatid ng tulong sa mga biktima ng
bagyong Yolanda kung saan mahigit na sa 6,000 ang nasawi.
“This is one sign Philippine-Japan
ties are strong and robust with Japan being one of the Philippines’ strategic
partners,” ani Lopez.
“We can see Japan has always been
very responsive to all our needs especially in this recent super typhoon
Yolanda. We can see the outpouring of support not only of the Japanese
government but Japanese corporations and the Japanese people. They’ve been
very, very supportive of the needs of the people especially in the devastated
areas,” pagtatapos ni Lopez.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento