Ni
Florenda Corpuz
Ambassador Lopez (Kuha ni Din Eugenio |
Puring-puri at respetado ng mga
Hapon at dayuhang employers ang marami sa mga Overseas Filipino Workers (OFW)
na nagtatrabaho sa Japan, ito ang pahayag ni Philippine Ambassador to Japan
Manuel M. Lopez kamakailan.
Sa kanyang opening remarks sa
ginanap na pakikipagdayalogo ni Pangulong Benigno Aquino III sa mga lider at
miyembro ng Filipino community sa Japan sa National Olympics Memorial Youth
Center, sinabi ni Lopez na malaki ang respeto at bilib ng mga employers sa mga
Pilipinong manggagawa.
“Our kababayans represent a wide
range of professions and backgrounds. But they share several things in common –
they are all hardworking, talented and source of great pride to the Filipino
nation,” pahayag ni Lopez.
“They are solid and united as a
community. They have no serious rift or division,” dagdag pa ni Lopez.
Ayon kay Lopez 70% ng mga tripulante
sa mga barkong Hapon ay mga Pilipino, habang pinapahalagahan naman ang mga
kababayang nurses at caregivers dahil sa kanilang ipinapamalas na malasakit sa
kanilang mga pasyente.
Inihalimbawa ni Lopez ang apat na
Pilipinong caregivers na kinilala ng pamahalaang Hapon dahil sa hindi pag-iwan
sa kanilang mga matatandang pasyente nang mangyari ang Great East Japan
Earthquake noong 2011 kahit na nalagay sa peligro ang kanilang mga buhay.
Sa kabilang banda, sinabi rin ni Lopez
na marami sa mga Pilipino ang kasal sa mga Hapon kung saan ang kanilang mga
supling ay nagsisilbing tulay sa pagitan ng dalawang bansa na magkaiba ang
kultura.
Sa kasalukuyan, 10% ng mga
dayuhang namimirmihan sa Japan ay mga Pilipino na siyang pangatlo sa may
pinakamaraming bilang na aabot sa 202,974.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento