Ni
Florenda Corpuz
Inaasahang dadagsa ang mga bagong
kumpanyang Hapon na mamumuhunan sa digital TV technology sa Pilipinas dahil sa
pag-adopt ng bansa sa Japanese ISDB-T o Integrated Service Digital Broadcasting
– Terrestrial standard o DTV sa taong 2015.
Sa isang panayam, sinabi ni
Philippine Ambassador to Japan Manuel M. Lopez na inaasahang maraming mga
kumpanyang Hapon ang magtatayo ng mga set up shops sa Pilipinas para
mag-produce ng mga kagamitan tulad ng set-top boxes na kinakailangan sa mga TV
sets na may analog tuners. Ang device na ito ang makakatanggap ng signal para
sa digital TV at nagkakahalaga ng Php1,000.
“We expect to see some Japanese
companies set up shop in the Philippines to produce things like set-top boxes
and other items related to the digital TV and we can expect employment and
opportunities for Filipinos in this area of business,” pahayag ni Lopez.
Matatandaang inaprubahan ni
Pangulong Benigno Aquino III ang paglipat ng Pilipinas sa Japanese digital TV
standard mula sa analog system tulad ng 15 pang bansa. Pinili ito ng Pangulo sa
halip ang European system dahil sa kapabilidad nito na magsagawa ng emergency
broadcast sa panahon ng sakuna.
Ayon kay Presidential Communications
Operations Office Secretary Herminio “Sonny” Coloma Jr., maaaring gamitin ng
mga modernong mobile devices ang sistemang ito.
Dinagdag pa ni Lopez na umaasa
rin ang Pilipinas na maaprubahan na ang automotive road map sa bansa kung saan
inaasahang tataas ang aktibidades ng mga Japanese carmakers mula sa assembly
patungo sa manufacturing.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento