Lumalaki ang bilang ng mga Japanese na nasa edad 100
pataas sa bagong talaan ng gobyerno na inilabas kamakailan. Ayon sa Health,
Labor and Welfare Ministry, tumaas ng 4,124 ang bilang ng mga centenarians sa
bansa kaya naman naitala ang pinakamataas na record na 65,692 na sanhi umano ng
magandang serbisyong medikal ng gobyerno.
Tumaas ng 327 ang bilang
ng mga kalalakihang centenarians kumpara noong nakaraang taon habang nasa 3,797
naman ang itinaas sa bilang ng mga kababaihang
centenarians. Umabot na sa 8,167 ang kabuuang bilang ng kalalakihang
centenarians at 57,525 ang kabuuang bilang ng mga kababaihang centenarians.
Dagdag pa ng health
ministry, dahil sa maayos na medical treatment sa bansa ay pumatak na sa edad
80.79 ang life expectancy sa mga kalalakihang centenarians habang nasa 87.05 ang sa mga kababaihang centenarians.
Nasa 112-taong-gulang ang
pinakamatandang lalaking Japanese na nakatira sa Tokyo habang nasa
116-taong-gulang naman ang pinakamatandang babaeng Japanese na nasa Kagoshima.
Matatandaan na nitong
Setyembre ay ipinahayag ni Japanese Prime Minister na hindi siya nababahala sa
tumatandang populasyon ng Japan nang dumalo ito sa Reuters Newsmaker event sa
New York.
“I have absolutely no
worries about Japan’s demography,” ani Abe matapos na lumabas ang talaan na
tinatayang nasa 34.6 milyon ang populasyon ng mga Japanese n nasa edad 65
pataas.
Giit ni Abe na hindi
problema ang tumatandang populasyon ng bansa dahil isang paraan ito para
maisulong ang robots, wireless sensors at artificial intelligence.
“Japan may be aging.
Japan may be losing its population. But these are incentives for us. Why?
Because we will continue to be motivated to grow our productivity,” pahayag ni
Abe.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento