Ni
Florenda Corpuz
Kuha
mula sa KIFF2016
Bela Padilla and Jacky Woo |
Dumalo ang aktres na si Bela
Padilla sa kakatapos pa lamang na 3rd Kyoto International Film and
Art Festival (KIFF) kung saan ipinalabas ang kanyang pelikula na “Tomodachi.”
Dinaluhan ni Padilla ang opening
ceremony ng KIFF na ginanap sa makasaysayang Nijo Castle kasama ang aktor na si
Woo.
Ginampanan ni Padilla ang papel ng
Pilipinang si Rosalinda na nagkaroon ng relasyon sa Hapon na si Toshiro na
ginampanan naman ng Japanese-Chinese actor na si Jacky Woo. Malapit na kaibigan
ng nakakatandang kapatid ni Rosalinda na si Edilberto (Pancho Magno) si Toshiro
na kilala bilang tomodachi (kaibigan) sa Cavite.
Nang pumutok ang World War II,
bumalik si Toshiro bilang opisyal ng Japanese Imperial Army at ang dalawang
magkaibigan ay nagkaroon ng hindi pagkakasunduan dahil si Edilberto ay
lumalaban para sa mga guerilla.
Ito ay idinirehe ng batikang
direktor na si Joel Lamangan.
“It wasn’t conventional for
Rosalinda to be in love with a Japanese soldier so she had to be strong, stick
by her decision. I guess in that era things were simpler…so if you liked
someone back then there was a 100% chance you were going to end up with them.
So I think that is where the characters were coming from,” paliwanag ng batang
aktres sa mga press at manonood na dumalo sa screening ng pelikula na ginanap
sa Aeon Cinema Kyoto Katsuragawa.
Napanaluhan ng World War II drama ang
Best Foreign Language Feature Film at Best Musical Score sa 2016 Madrid International
Film Festival.
Pagkatapos sa KIFF ay nakatakda rin
itong ipalabas sa Berlin Art Film Festival at Milano Film Festival sa Italy.
Samantala, inaasahan din na dadalo
si Padilla sa 29th Tokyo International Film Festival kung saan ang
kanyang pelikulang “I America” ay lalaban sa Asian Future section ng
prestihiyosong festival.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento