Kinumpirma ng Health, Labor, and
Welfare Ministry ng Japan na namatay dahil sa “karoshi” o sobrang pagtatrabaho
ang 27-taong-gulang na Filipino trainee na kinilalang si Joey Tocnang.
Nagsimulang magtrabaho si Tocnang
sa isang casting company sa Gifu Prefecture bilang tagaputol ng bakal at
tagapinta ng kemikal sa mga molde noong 2011. Namatay ito noong 2014 dahil sa
atake sa puso.
Ayon sa Labor Ministry, umabot sa
122.5 ang overtime hours kada buwan ni Tocnang na maaaring naging sanhi ng
atake sa puso. Bukod dito, sinabi ng tanggapan na labag sa Japan labor laws ang
pagkakaroon ng ganoong karaming oras ng overtime sa trabaho.
Naiwanan ni Tocnang ang kanyang
maybahay at anak.
Sinabi ng Advocacy Network for
Foreign Trainees in Tokyo na ito na ang ikalawang pagkakataon na kinilala ng
Japan ang kaso ng pagkamatay ng isang dayuhan bilang karoshi. Nauna nang
namatay ang isang Chinese noong 2010, na noo’y nagtatrabaho sa metal casting
company sa Ibaraki, dahil sa sobrang pagtatrabaho.
Batay sa pahayagang Asahi
Shimbun, ipinag-utos noong Agosto ng Labor Ministry na ibigay ang dapat na
death compensation sa pamilya ni Tocnang kung saan makatatanggap ito ng ¥3
milyon lump sum payment at ¥2 milyon kada taon bilang survivor’s annuity.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento