Ni
Florenda Corpuz
Inanunsyo ng Japan International
Cooperation Agency (JICA) na susuportahan nito ang technical vocational
education sa K to 12 program ng Pilipinas para makatulong sa employability ng
mga kabataang Pilipino na magtatapos sa ilalim nito.
“Technical-vocational trainings in
secondary schools could help bridge the gap in linking the academe with
industry particularly in developing sufficient skills for the job market,” ani
JICA Poverty Reduction Section Chief Flerida Chan.
Binanggit ng JICA ang pinakamahusay
na pagsasanay ng Rogongon Agricultural High School (RAHS) sa Iligan City sa
Mindanao na kanilang tinutulungan sa community-based, hands-on trainings para
sa mga senior high school na estudyante.
Bumuo ng community-based technical
vocational program for horticulture ang paaralan na nagbibigay din ng
pagkakataon para sa mga out-of-school high school students, community members
at indigenous people na miyembro ng Higaonon Tribe.
Ayon sa pamunuan ng paaralan, nakapagbibigay
sila ng kabuhayan sa mga mag-aaral at komunidad sa lugar dahil nagagamit nila
ang agricultural land habang ang mga mag-aaral ay nakikinabang naman mula sa
kanilang practicum sa pamamagitan ng mentored community immersion para sa agricultural
crop production.
“We hope that more students will
realize the opportunities in technical vocational education, including
agriculture-related courses,” ani Richard Talaid, school head ng RAHS na isa sa
25 partisipante mula sa Pilipinas na sinanay ng JICA sa Japan.
“Our training in Japan made me
realize the importance of not only classroom knowledge but more importantly
practical applications given availability of agricultural land in the area,”
sabi nito.
“The challenge is to help change
the perception about technical vocational education and that graduates of this
track have equal chances of getting quality jobs as those that took the conventional
education pathway,” dagdag pa nito.
Ang RAHS ay isa sa mga recipients
ng grant na ibinigay ng JICA sa mga technical vocational school sa Pilipinas upang
matulungan na mapahusay ang implementasyon ng technical vocational curriculum.
Binigyan ng JICA ng mga kagamitan
para sa agrikultura ang paaralan para magamit ng mga estudyante sa kanilang mga
proyekto.
Kabilang din sa mga pilot technical
vocational high schools sa ilalim ng DepEd-JICA cooperation ang Don Alejandro
Roces Sr. Science and Technology High School, Rizal Experimental Station and
Pilot School of Cottage Industries, Subangdaku Technical Vocational High School
at San Pedro Relocation Center National High School na mas pinalawak din ang
kanilang work immersion program, ang mga guro ay nagsanay sa Japan at nakatanggap ng technical guidance mula
sa ekspertong Hapon.
Ang grant ay bahagi ng senior high
school modelling program ng Department of Education (DepEd) at JICA upang
matulungan ang K to 12 system link schooling para sa industry needs at employment.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento