Ni
Florenda Corpuz
Kuha
mula sa Japan Fashion Week website
Muling nagpakita ng angking talento
at husay ang mga Pinoy fashion designers sa international runway sa kanilang
pagsabak sa ikalawang pagkakataon sa Amazon Fashion Week Tokyo o Japan Fashion
Week.
Inirampa sa Amazon
Fashion Week Tokyo 2017 S/S ang koleksyon nina Joseph Agustin Bagasao, Carl Jan
Cruz at Karen Topacio sa isang runway show na pinamagatang “Asian Fashion Meets
Tokyo” na ginanap kamakailan sa Shibuya Hikarie Hikarie Hall A.
Kabilang din sa inirampa ang
koleksyon ng kilalang global Pinoy brand na Bench sa pangunguna ng founder nito
na si Ben Chan na dumalo sa naturang palabas.
Ang mga koleksyon nina Bagasao,
Cruz, Topacio at Bench ay binubuo ng mga men’s & women’s / ready to wear
and accessories.
Ito na ang ikalawang pagkakataon na
nakasali ang mga Pinoy designers/ brands sa Japan Fashion Week na isa sa
pinakasikat at pinakamalaking fashion events sa buong mundo.
Matatandaang mainit na tinanggap
dito noong nakaraang taon sina Renan Pacson, Ken Samudio at John Herrera nang
kanilang ibida ang kanilang 2016 S/S collection.
Ang Japan Fashion Week ay isang by
invitation only event na ginaganap dalawang beses kada taon. Ito ay inoorganisa
ng Japan Fashion Week Organization.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento