Huwebes, Mayo 11, 2017

Beach Volleyball Republic at Aboitiz Land nagbukas ng sand court sa Bonifacio Global City



Para sa sinumang volleyball enthusiast, at lalo na dahil summer na sa Pilipinas, magandang pagkakataon ang makanood ng volleyball action o maglaro ng volleyball sa beach. Ngunit ngayon, hindi na kinakailangan pang lumabas ng siyudad dahil pinasinayaan kamakailan ng Beach Volleyball Republic (BVR) at Aboitiz Land ang isang sand court sa Seafront Residences sa Bonifacio Global City, Taguig.

Bahagi ito ng adbokasiya ng BVR sa pagsusulong ng volleyball sa mga kabataan at sa mga Pinoy gaya ng Beach Royals development program sa ilalim ng Philippine Sports Commission (PSC). Sinusuportahan din ito ng Larong Volleyball sa Pilipinas (LVPI). Opisyal na nabuo ang BVR noong Hunyo 2015.

“It has been our ultimate dream to host a BVR event in BGC and having it done so soon through Aboitiz Land gives us more affirmation that we are doing the right thing for the love of beach volleyball.

We’re very grateful that the sport is now starting to grow bigger and gain support from a company like AboitizLand and the Aboitiz Group. It’s really fate and a shared goal that brought the partnership together. Getting traction like this is very good for the support and we hope to gain more support from the private sector,” ang masayang kwento ni BVR co-founder at dating Ateneo Blue Eagles volleybelle Bea Tan.

Nagdaos din ng exhibition games ang paglulunsad sa sand court kung saan mismong si Tan, mga BVR co-founders Charo Soriano, Dzi Gervacio, Fille Cainglet-Cayetano, at Gretchen Ho, gayon din ang iba pang collegiate volleybelles na sina Melissa Gohing, Amanda Villanueva, Amy Ahomiro, Kara Acevedo, Michelle Gumabao, Ella De Jesus, at Mae Tajima ay nagpakita ng maagang summer volleyball action sa mga sumusuporta ng volleyball sa bansa.

Aniya, ang kolaborasyon sa pagitan ng BVR at Aboitiz ay tuluy-tuloy pa sa iba pang proyekto ng BVR gaya ng planong beach volleyball tournament at beach sports activities sa Seafront Residences.

BVR on Tour 2017 heating up the summer

Bago pa mag-summer ay hitik na hitik na ng aksyon sa opisyal na pagsisimula ng Beach Volleyball Republic on Tour 2017 noong Enero sa Cabugao Beach, Ilocos Sur kung saan nagwagi sina Tiger Spikers KR Guzman at Anthony Arbasto sa men’s, at Bea Tan at Charo Soriano sa women’s.

Tuloy naman ang pakitang-gilas ng mga atleta sa second leg sa Tondalingan Beach, Dagupan City, at muli ay nagtakda ng panalo si Tan kasama ang bagong partner na si Gervacio. Inulit naman nina Guzman at Arbasto ang kanilang mataginting na pagkapanalo sa first leg.

Dumayo naman ang BVR on Tour hanggang Lakawon Island, Negros Occidental sa third leg kung saan nagwagi naman sina Jeremiah Barrica at Kevin Hadlocon ng FEU. Nakabawi na lang ang dalawa sa pagbabalik ng BVR sa Kahuna Beach, La Union sa fourth leg kung saan nakaharap nila ang matitinding kalaban mula FEU, Perpetual Help, Lyceum, Navy, Airforce, Cebu at Bacolod.

Para sa mga volleyball fans sa Norte at Visayas, pwede pang habulin ang BVR on Tour sa Anguib Beach, Santa Ana Cagayan sa Abril 22-23, Guimaras Island sa Mayo 6-7 at ang kulminasyon sa Hunyo sa Ilocos Norte.





Walang komento:

Mag-post ng isang Komento