Kuha
mula sa JICA
“Mother and Child” ni Jaime S.
Singlador, JICA Philippines
Photography Competition 2017 Grand Prize Winner. (Kuha mula sa JICA)
|
Isang larawan ng ina at anak na
naninirahan sa Cordillera ang nagwagi ng top prize sa unang Japan International
Cooperation Agency (JICA) photography contest sa Pilipinas na may temang, “JICA
and the Filipinos: Images of a Better Tomorrow.”
Ipinapakita sa winning photo na
kuha ni Jaime Singlador, isang civil engineer, ang Official Development
Assistance (ODA) ng Japan para suportahan ang maternal at child health services
(MCH) sa mga remote areas sa Cordillera.
Napanaluhan naman ni Macbeth Omega
ang second prize para sa kanyang “No More Killer Floods” photo kung saan
itinampok niya ang flood control project ng JICA sa Ormoc, Leyte. Nasungkit naman
ni Paulo Andrada ang third prize para sa kanyang “Bridging Lives” photo na
nagpapakita naman sa Mandaue-Mactan bridge project habang papalubog ang araw.
“We received many inspiring entries
showing the impact of JICA’s activities to the Filipinos. The competition
somehow promoted better understanding of JICA’s development cooperation in the
Philippines and encouraged more young people to contribute to nation building,”
pahayag ni JICA Senior Representative Aya Kano.
Higit sa 250 entries mula sa buong
Pilipinas ang sumali sa kumpetisyon, na kinunan ng mga indibidwal mula sa iba’t
ibang propesyon, karamihan ay mga millennials, na nagpakita ng iba’t ibang aspeto
ng tulong ng JICA para sa mga magsasaka, kababaihan, mga bata, at iba pang
vulnerable communities.
Makatatanggap ang top three winning
entries ng digital cameras mula sa kilalang Japanese camera brand habang ang
iba pang nagwagi na sina Allan Castañeda, Carter Luma-ang, Nomer Pascual,
Michael Alexis Rayo, Jonas Juntilla, Jihad Mandi, Fredelon Sison at Robert
Alvarez ay makatatanggap ng consolation prize.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento