Sina Department of
Public Works and Highways Secretary Mark Villar
at Japanese Ambassador to the
Philippines Koji Haneda sa naganap
na turnover ceremony kamakailan. (Kuha mula
sa DPWH)
|
Opisyal ng ibinigay ni
Japanese Ambassador to the Philippines Koji Haneda kamakailan ang disaster
reduction equipment na donasyon ng gobyerno ng Japan sa Pilipinas.
Kabilang sa ¥110-million
package ang walong units ng mobile drainage pump at 17 power generation set
with tower lights na gagamitin para mapabuti ang flood fighting activities at
disaster response ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Ang donation package na
nakuha ng Japan International Cooperation System (JICS) ay bahagi ng Non-Project
Grant Aid (NPGA) for Provision of Japanese Disaster Reduction Equipment 2014 ng
Japan para sa Pilipinas.
Ayon kay DPWH
Undersecretary for UPMO Operations and Technical Services Emil Sadain, uumpisahan
na ang distribusyon ng mobile drainage pumps sa DPWH Regions 1, 2, 5, 6, 9, 10,
12 at National Capital Region (NCR) para sa emergency responding sa mga
flooding situations.
Ang mga floodlights
naman ay ipapamigay sa lahat ng DPWH Regional Offices at Bureau of Equipment.
Pinasalamatan ni DPWH
Secretary Mark Villar ang gobyerno ng Japan para sa patuloy nitong pagtulong sa
Pilipinas at sa mga mamamayan nito.
Magugunitang nakatanggap
din ng walong mobile drainage pumps ang DPWH mula sa Japan noong 2014 na
ginamit naman sa Regions 3, 4-A, 7, 8, 11, 13 at NCR.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento