“Animation can change the times.”
Ito ang saad ni Tsugihiko Kadokawa, association vice
president/Kadokawa Corp. Chairman, sa isang news conference kaugnay ng
paglulunsad ng Japan Anime Tourism Association.
Inilunsad kamakailan ang Anime Tourism Association
mula sa pagtutulungan at pangunguna ng publisher at film studio na Kadokawa
Corp., travel agency JTB Corp., Narita International Airport at Japan Airlines
Co., upang mas paigtingin pa ang industriya ng turismo sa bansa at pagyamanin
ang mga pang-rehiyong ekonomiya sa pamamagitan ng anime at manga. Nagmula ang
konsepto mula sa 88-temple route na nilakad ng mga relihiyosong manlalakbay sa
isla ng Shikoku.
Sa inisiyatibong ito, mabubuo ang isang travel route
na naglalaman ng 88 sacred animation spots o “seichi” sa buong Japan sa
pamamagitan ng isang survey pagdating ng Disyembre na mula sa mga itinampok na
lugar sa iba’t ibang manga at animation works, maging ang mga museo na nakalaan
sa mga nasabing anime at manga at kahit ang mga tirahan ng mismong mga manga
artists na may likha ng mga ito.
Maging si Tokyo Governor Yuriko Koike, na isang anime
enthusiast ay nangangampanyang gawing “anime land” ang Tokyo. Si Koike ay mula
sa Toshima ward kung saan matatagpuan ang Tokiwa-so, ang naging tirahan ng mga
legendary artists na sina Osamu Tezuka, Shotaro Ishinomori at Fujiko Fujio.
Aniya, sentro ng asosasyon ang iba pang bansa sa Asya
na mayroon nang matibay at malawak na following sa anime at manga, samantalang
ipo-promote naman ang mga packaged tours tampok ang mga nasabing lokasyon ng
JTB.
Ilan sa mga popular na anime ay ang “Slam Dunk,”
“Whisper of the Heart,” “Lucky Star,” “Kimi no na wa,” “Rurouni Kenshin,”
“Dragon Ball,” “One Piece” at iba pa.
Key motivation by foreign
tourists
Maaaring bumoto ang mga tagahanga ng anime-manga ng
kanilang mga paboritong spots para mapabilang sa travel route sa website na
ito, animetourism88.com/en/,
at base sa magiging resulta nito ay bubuuin ang mga packaged tours na kabilang
ang pagbisita sa nasabing 88 animation spots.
“Manga
and anime have made a lot of young people from around the world very interested
in coming to Japan,” ang pahayag ni Motohisa Tachikawa, JTB spokesman sa isang
panayam.
“We want the anime experience to be not just
something people watch but something they traveled to see in person,” dagdag pa ni Yoshiyuki Tomino
na siyang association president at Gundam robot series anime creator.
Ayon
pa sa Japan Tourism Agency (JTA), sa isang survey nito sa mga turistang French
at Thai, bagaman may pagkakaiba sa mga gusto nilang gawin ay parehas naman na
naging interesado sila sa Japan dahil sa entertainment – pelikula, drama, anime
at manga.
Nakakatulong
din ang exposure rito para matutuhan ang salita at kulturang Japanese. Suhestiyon
din ang pagkakaroon ng character costumes na maaaring isuot ng mga bumibisita
at mga manga-anime related products sa mga anime sites.
Cool Japan initiative
Sa
ilalim ng “Cool Japan” initiative, pumalo na sa 19.73 milyon ang foreign
visitors nitong nakaraang taon at nito lamang Hulyo ay umabot na sa 14 milyon na mas mataas nang 26.7
porsyento, ayon sa Japan National Tourism Organization (JNTO).
Pinag-iisipan
ngayon kung paano mahihikayat ang mga turista na dumayo sa countryside areas ng
Japan, bagaman marami na rin ang mga pumupunta sa Osaka at Kyoto na nagdudulot
pa ng accommodation shortages.
“Despite the increasing number of tourists, we haven’t taken
full advantage of the abundant resources in rural areas. To lure more foreign
visitors to lesser-known areas, I believe promoting tours featuring anime locations
can be a good thing,” ani JTA Commissioner
Akihiko Tamura.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento