Mula naman ito sa direksyon ni Naoto Kumazawa,
screenwriter Yukiko Manabe at Aniplex.
Hango ang kwento nito mula sa box office hit na
animated film na inilabas noong Setyembre 2015 na parehas ang pamagat. Humakot
ito ng mahigit ¥1.1 bilyon ($10 milyon) sa kanyang theatrical run at
isa sa highest grossing domestic films ng taong ito na likha ng creative team
na nasa likod ng “Anohana: The Flower We Saw That Day” anime series at anime
film adaptation.
Kinunan ang pelikula sa Chichibu, Saitama Prefecture
na lokasyon din ng parehong The Anthem of the Heart at Anohana.
Importance of words and
wonders of music
“This is
a work that includes many themes like music, friendship, youth, love… I will
try to give the story a unique live action atmosphere but at the same time do
my best to make the message of the original anime reach at least one viewer –
‘Words are important.’” Ito ang pahayag ni director Kumazawa ukol sa pelikula, na kilala sa industriya sa
mga proyektong “Letters from
Kanai Nirai” (original script) at
live action films na “Kin
Kyori Renai” at “Kimi ni Todoke.”
Nagsisimula
ang kwento sa pangunahing karakter na si Jun Naruse (Yoshine), isang dating
masayahing bata ngunit dahil sa pagiging “chatterbox” ay nagdulot ito ng
pagkawasak ng kanyang pamilya nang minsa’y makita niya ang ama na may kasamang
babae at agad itong sinabi sa kanyang ina.
Mula
noon, tuwing sinusubukan niyang sabihin ang kanyang emosyon at iniisip ay ‘di nito
mailabas ang mga salita at sumasakit ang kanyang tiyan.
Mahaharap
sa bagong pagsubok si Jun nang mapili siyang maging parte ng isang musical para
sa Regional Friendship Exchange
Executive Committee
kasama sina Takumi (Nakajima), Natsuki (Ishii), at Daiki (Kanichiro).
Driven by relatively new cast
Ito
ang ikaapat pa lang na starring role ni Nakajima na mas kilala sa mga bright
characters, at sa pagkakataong ito ay isang karakter na nahihirapang ipaliwanag
sa iba ang kanyang mga intensyon at saloobin ang kanyang ginagampanan.
Kauna-unahang
starring role naman ito ni Yoshine na napanood kamakailan sa NHK morning drama
na “Beppin-san” at TBS drama na “Little Giants.” Kilala naman sa mga pelikulang
“Solomon’s Perjury Part 1 & 2,” “Your Lie in April,” at “The Blue Hearts - 1001 Violins.” Pinakabaguhan naman sa kanila si Kanichiro na
nito lamang nag-debut bilang aktor.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento