“The film focuses on the details of life. While the war casts a shadow,
ordinary lives appear shining as if a treasure.”
Ito ang
pagsasalarawan ni Sunao Katabuchi, direktor ng hit animated masterpiece na “In
This Corner of the World” (Kono Sekai no Katasumi ni) sa kanyang obra na
tumatalakay sa ordinaryong pamumuhay ng mga Japanese sa Hiroshima bago at
pagkatapos ito sirain ng atomic bomb noong Agosto 6, 1945, sa isang panayam ng The
Asahi Shimbun.
Base ito
sa manga ni Fumiyo Kōno na may parehas na pamagat na nabasa mula 2007-2009 sa Weekly Manga
Action, may tatlong volumes at inilathala ng Futabasha. Kinilala ito bilang
Jury Recommended Work at Excellence Prize sa 2008 at 2009 Japan Media Arts
Festival. Nagkaroon na rin ito ng live-action TV special sa NTV noong 2011
tampok si Keiko Kitagawa.
The people of wartime Hiroshima
Sentro
ng pelikula ang 18-taong-gulang na si Suzu Urano sa kanyang paglipat noong 1944
sa Kure, isang naval port city sa Hiroshima nang magpakasal sa isang judicial
officer na si Shūsaku Hōjō para tumira kasama ang pamilya niya. Bagaman
naninibago sa kanyang bagong buhay bilang isang maybahay, iaatas sa kanya ang
mahalagang papel sa pagpapatakbo ng buong bahay pati na rin ang paghahanda ng
pagkain sa gitna ng giyera.
Nang
makarating ang sunud-sunod na pambobomba sa Kure, tuluyan nang nagbago ang
buong buhay ni Suzu at ng buong bayan ng Kure at Hiroshima.
Stepping into the past
Partikular
na pumukaw sa pansin ng mga manonood ang opening sequence ng pelikula kung saan
makikita si Suzu na naglalakad sa mga lansangan ng Nakajima Honmachi district sa
panahon ng Kapaskuhan noong 1933.
Isa sa
bumubuo sa 1933 cityscape ng Hiroshima ang Otsuya muslin shop na nasa tapat ng
gusali na matatagpuan naman ang Taishoya Gofukuten kimono fabrics shop, na
hanggang ngayon ay naroroon pa rin sa lugar.
Aniya,
100 metro lamang ang layo nito mula sa ground zero kung saan bumagsak ang
atomic bomb. Sa ngayon, hindi na makikita ang distritong ito sa Hiroshima at
bahagi na lamang ng Hiroshima Peace Memorial Park.
Anim na
taong pinag-aralan ni Katabuchi ang Hiroshima sa pamamagitan ng pagpapabalik-balik
niya sa Hiroshima para kausapin ang mga residenteng nakaligtas na mga bata
noong giyera, gayon din ang libu-libong larawan at mga aklat tungkol sa
kasaysayan nito.
Makikita
rin sa pagbubukas ng pelikula ang mga imahe ng mga yumaong kamag-anak ng mga
survivors bilang pag-alala sa mga yumao at pagpapasalamat sa mga survivors.
Not lost from memory
Sa
tagumpay nito sa box office mula nang magbukas nitong Nobyembre 12, pinipilahan
at kahit standing-only tickets ay dinudumog pa rin, patunay ito na ang
henerasyon ngayon ay bukas ang loob na makilala ang naglahong bahagi ng
Hiroshima 71 taon na ang nakararaan.
Kumita
na ito ng ¥800 milyon at
consistent 10th place sa loob ng pitong linggo sa box office nitong
huling linggo ng Disyembre sa total budget na
¥250 milyon. Nagdagdag na rin ng
200 theaters para sa screening nito ngayong buwan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento