Ni Florenda Corpuz
Kuha ni Din Eugenio |
TOKYO, Japan – Tuwang-tuwa ang
mga tagahanga ni Dwayne “The Rock” Johnson sa muli nitong pagbisita sa bansa upang
daluhan ang premiere ng kanyang pelikulang “Hercules” na ginanap sa TOHO
Cinemas sa Roppongi Hills kamakailan.
Sinalubong ng daan-daang
tagahanga ang 42-taong-gulang na aktor at wrestler sa kanyang pagdating sa red
carpet kung saan ang iba sa kanila ay hindi napigilang maiyak pagkakita sa
idolo.
“The Japanese fans really mean so
much to me. From the bottom of my heart, arigato gozaimasu. I love you,”
pahayag ni Johnson.
Ayon kay Johnson, limang taong
gulang siya nang una niyang hangaan ang Greek mythological hero na si Hercules
sa pamamagitan ng isang poster.
“I was five years old when I had
my very first poster of Hercules, and I was inspired then by the man who is
powerful and strong. I really appreciate his heroics,” aniya.
Kasamang dumating ni Johnson ang
direktor ng pelikula na si Brett Ratner at ang producer na si Beau Flynn.
“We are so grateful to be here
with all of you. You are the first audience in all of Japan to see the film.
The Japanese fans are by far the best fans in the world,” bati ni Ratner.
Matapos ang photo call ay
nagkaroon ng stage greeting ang tatlo kasama ang Japanese professional wrestler
na si Keiji Muto na nakasuot ng Hercules costume at aktres na si Sumire
Matsubara. Taong 2002 nang magpahayag ng interes si Muto na makipag-wrestling
kay Johnson ngunit hindi ito nagkaroon ng katuparan.
Ang Japan ang huling bansa na
binisita nina Johnson bilang bahagi ng global press tour ng pelikula.
“Thank you, Japan so much. This
is a very memorable and important night for us. This is the end of our world
tour. We love you so much. Such an honor to be here,” ani Flynn.
Ipinalabas sa bansa ang
“Hercules” noong Oktubre 24.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento