Ni
Florenda Corpuz
Mga lumahok sa charity walk/run.
Kuha
mula sa JPN: (Japan-Philippines NGO Network)
TOKYO, Japan – Isang
non-governmental organization (NGO) ang nanguna sa pagsasagawa ng charity
run/walk na ginanap sa Imperial Palace Grounds kamakailan
para sa mga biktima ng bagyong
‘Yolanda’ sa Kabisayaan noong nakaraang taon.
Tinawag na “Japan-Philippines
Friendship Run & Walk,” pinangunahan ng Japan-Philippines NGO Network (JPN)
ang charity event. Layon nito na matulungan ang mga biktima ng bagyo sa
pamamagitan nang pagdo-donate sa nalikom na donasyon mula sa mga partisipante.
“We are currently preparing the report on the
total amount of donations we gathered from this event, as well as the report on
the beneficiaries of the donations. We will keep you informed about updates,”
pahayag ng grupo.
Dinaluhan ng mahigit sa 100
runners ang charity run/walk na kinabibilangan ng mga estudyante, empleyado at
mga NGO workers na pawang mga Pilipino at Hapon. Aabot naman sa 40 ang mga
volunteers na tumulong.
“We were blessed with a good weather, and were
graced with the presence of the distinguished guests. More than 100 people
joined our event. Thanks to everyone’s cooperation, we were able to finish the
event without any accidents,” saad ng grupo sa isang pahayag.
Ang distansya na nilakad at
tinakbo ng mga partisipante ay limang kilometro.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento