Ni Cesar Santoyo
Nagsimula ng umepekto ang panukala ng Korte Suprema ng Japan noong nakaraang buwan ng Hulyo na limitahan ang pagbibigay ng social benefits sa mga dayuhan na may permanent visa. May mga kumikilos na sa antas ng mga munisipyo, siyudad at pambansang saklaw para subukan na tanggalin ang mga natatanggap na social benefits ng mga dayuhan.
Nagsimula ng umepekto ang panukala ng Korte Suprema ng Japan noong nakaraang buwan ng Hulyo na limitahan ang pagbibigay ng social benefits sa mga dayuhan na may permanent visa. May mga kumikilos na sa antas ng mga munisipyo, siyudad at pambansang saklaw para subukan na tanggalin ang mga natatanggap na social benefits ng mga dayuhan.
Sa
hindi pinahintulutang kahilingan ng isang 82-taong-gulang
na Chinese mula sa Oita Prefecture ay hinusgahan ng pinakamataas na hukuman at
inilinaw na ang mga dayuhan na permanenteng residente ay hindi kuwalipikado sa
pampublikong pondo para sa welfare benefits sa kadahilanang hindi sila
Japanese. Ayon sa Article 1 ng 1950 Public Assistance Law ay nagsasabing ang katagang
“lahat ng mamamayan” ay nakaukol lamang sa mga Japanese, ayon sa interpretasyon
ng Korte Suprema.
Sa
kabila ng panukala ay patuloy na nagbibigay ng pabuya ang welfare ministry sa
matagal ng polisiya sa pagbibigay ng patas na welfare protection sa mga dayuhan
katulad ng sa mga Japanese. Ito ay batay sa mga inilabas na anunsyo sa mga
munisipyo noong taong 1954. Sa
polisiyang ito, ang mga munisipyo ay namahagi ng welfare benefits mula
pagbibigay ng tulong-pinansiyal, libreng paggamot, tulong sa pabahay at iba pa
sa mga nangangailangan na dayuhan na may permanent o long term visa, kasama ang
mga asawa ng Japanese at mga migrante mula sa Brazil.
Subalit
ang patakaran noong buwan ng Hulyo ng Korte Suprema ay nagbigay ng pagkakataon
sa ibang puwersang pulitikal kasama ang may mga kontra-dayuhang sentimiento na
bawasan ang “sayang daw” na gastusin ng gobyerno at subukan na limitahan ang
pagtanggap ng social welfare ng mga dayuhan.
Isa
na rito ay ang Jisedai no To (Partido ng Susunod na Henerasyon), isang
minoryang partidong oposisyon na nakaporma na magsusumite sa darating na extra
Diet session sa katapusan ng Nobyembre, ng panukala na gawing masmahirap ang
kalagayan ng mga dayuhan sa Japan kaugnay ng pagtanggap ng social welfare
benefits.
Sa
labis ng panggigigil ng liderato ng Jisedai no To, ayon sa mga napaulat, ang
gustong ipanukala ay bigyan ng isang taon ang mga matagalan ng dayuhan sa bansa
na magdesisyong magpa-Japanese citizen o bumalik na sa sariling bansa. Malamang
ay nakaukol ang kanilang puntirya sa mga matagal ng naninirahan na mga Chinese
at Korean na ayaw maging Japanese citizen.
Sa
pananaw naman ni Taro Kono, isang kongresista at pinuno ng proyekto ng
mayoryang partido sa Kongreso at Senado ng Japan, ang Liberal Democratic Party
o LDP, ay nagsabing hindi maaapektuhan ang mga may permanent residence visa sa
pagrebisa ng bagong polisiya sa welfare benefits. Subalit ang may mga
mid-to-long term na visa ang maaaring maapektuhan.
Ang
maaaring pagbabago na maisagawa ay sa paraan ng hindi pagbibigay ng
pampublikong tulong para sa may mga takdang panahon mula ng dumating sa Japan
para maiwasan ang pag-abuso ng mga tumutungo sa bansa para lamang makatanggap
ng welfare benefits. Dagdag pa, ayon kay Kono, kailangan pang pagdesisyunan ang
haba ng buwan at taon ng pananatili bago mabigyan ng pagkakataon ang dayuhan na
makakuha ng pabor sa welfare benefits.
Lalong
lumalakas din ang pagkilos ng mga kontra-dayuhan para harangan ang pagtanggap
ng welfare benefits pati na rin ang mga rasistang komentaryo laban sa mga
dayuhan. Sa mga social networking site kagaya ng Twitter ang mga keyword search
gaya ng “seikatsu hogo” o welfare at “gaikokujin” o mga dayuhan ay ang may mga
pinakamahabang tala ng mga sensational tweets na nananawagan na agadang itigil
ang pagbibigay ng pabuyang pinansiyal sa mga dayuhan lalo ang mga Chinese at
Koreano.
Ang
patakaran ng Korte Suprema noong buwan ng Hulyo ay nag-udyok din sa isang
lalaki na naninirahan sa Narashino, Chiba Prefecture na magsumite ng petisyon
sa Narashino Municipal Assembly noong Agosto na itigil ang pagbibigay ng
welfare benefits sa dayuhan. Hindi pinaburan ang nasabing petisyon na ibinasura
ng asembliya ng Narashino noong September 30, 2014. Sa nasabing buwan rin ng
Setyembre ay naghain din ng isa pang petisyon ang nasabing lalaki na
naninirahan sa Narashino na nanawagan na gumawa ng hotline para sa mga
pinaghihinalaang umaabuso sa pagkuha ng welfare benefits ayon sa kagawad ng
asembliya Hisako Ichikawa.
Malamang
ay marami pang mga pakulo ang gagawin ng mga kontra-dayuhan na tanging damdamin
lamang nila, at hindi ng karamihan ng mamamayan sa Japan, ang nagpupumilit na
alisan ng benepisyo ang mga dayuhan dito sa bansa. Maliban sa ginagawang
patakaran laban sa mga dayuhan na alisan ng welfare benefits ay ang buwanang
pag-atake sa pamamagitan ng mga demonstrasyon laban sa mga Koreano na
isinasagawa ng mga tinaguriang ultra-rightist ng Japan.
Ang
mga masasamang katagang mapanlait na ibinabato sa mga distrito na maraming
nakatirang Koreano mula sa mga ultra-rightist na demonstrador ay nakatawag
pansin sa U.N. Committee on the Elimination of Racial Discrimination. Sa
rekomendasyon ng nasabing kumite laban sa diskriminasyon ng United Nations sa
pamahalaan ng Japan ay nagsabing ang “hate speech” o panlalait at ibang
pakikitungo na nagpapahiwatig ng rasistang pag-atake sa mga demonstrasyon,
media kasama ang sa internet, ay hindi iniimbistigahan at pinarurusahan ng mga
kinauukulan ng mga awtoridad.
Iginiit
ng nasabing panel ng U.N. laban sa diskriminasyon na dapat imbestigahan ng
pamahalaan ng Japan ang mga “panlalait” sa dayuhan sa mga demostrasyon,
imbestigahan ang indibiduwal at organisasyon responsable sa mga aktong rasista
at parusahan ang mga pampublikong opisyan at politiko na nagbibigay ng “hate
speech” laban sa mga dayuhan.
Pinasubali
rin ng nasabing U.N. panel na dapat tugunan ng Japan ang mga “ugat ng
kadahilanan” ng mga panlalait sa dayuhan at palakasin ang paraan ng pagtuturo,
edukasyon, kultura at impormasyon sa pananaw laban sa mapanlait na patungo sa
diskriminasyon sa ibang lahi at palaganapin ang pag-uunawaan, pagbibigayan at
pagkakaibigan ng mga bansa at sa mga lokal at etnikong grupo.
May
kasabihan na kung batuhin ka ng bato ay batuhin mo ng tinapay. Tahimik lamang
ang mga dayuhang Filipino sa Japan na sa ngayon ay ang mga nangangalaga sa mga
matatanda bilang caregivers. Pinoy rin ang mga nagtuturo sa pag-aaral ng
English ng mga batang Japanese pati mga wasto sa gulang. Sa ating panibagong
trabaho at misyon ngayon bilang caregiver at English teacher, ito ang tinapay
na ating ibinabato sa mga mapanikil na patakaran at mapanlait na pananalita
laban sa mga dayuhan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento