Miyerkules, Agosto 5, 2015

CNN Hero Efren Peñaflorida, gagamit ng Japanese manga sa pagtuturo sa mga batang lansangan sa Pilipinas

Ni Florenda Corpuz

2009 CNN Hero of the Year Efren Penaflorida
Dumating sa Tokyo, Japan ang pushcart educator at 2009 CNN Hero of the Year na si Efren Peñaflorida para sa isang linggong pagbisita na may layong magpakalat ng impormasyon at makakuha ng suporta para sa kanyang bagong proyekto.

Katuwang ang kanyang grupong Dynamic Teen Company (DTC), Department of Education (DepEd) at New Life Ministries (NLM), isang Japan-based organization, ipinakilala nila ang proyekto na tinawag na “Hope For Living Philippines: Children in Crisis” kung saan gagamitin ang Japanese “manga” booklet sa pagtuturo ng values education sa mga batang lansangan sa pamamagitan ng “Kariton Klasrum.”

“For this project, DepEd is preparing to roll out 100 pushcart classrooms. DTC for its part is mobilizing its roster of community volunteers to reach out to these children in 44 activity centers across the National Capital Region. NLM will be providing the manga booklet that DTC will use in teaching values education courses,” saad sa pahayag ng NLM.

Sa isang press conference na ginanap sa Embahada ng Pilipinas noong Hulyo 6, sinabi ni Efren na isa sa core subjects na kanilang itinuturo sa mga batang lansangan ay ang values education at isa sa epektibong paraan ng pagtuturo nito sa kanila ay sa pamamagitan ng paggamit ng Japanese manga.

“Japanese animation is very popular in the Philippines. Children and adults love it. The manga book gave us an opportunity to present values to children in a more effective way because they like the pictures. Although they don't understand what is written because it’s in English, they can easily connect with the stories because of the illustrations. NLM will provide this material to us,” ani Peñaflorida.

“One of the reasons why I’m here in Japan is to ask for support from Japanese people to help us print more materials because we are targeting 8,000 children in Metro Manila. Hopefully, we can get as much support as we can,” dagdag pa nito.

Sinabi rin ni Peñaflorida na magpapadala ang Japanese ministry ng Manga comics para sa “values education” at para na rin sa silid-aklatan ng Kariton Klasrum.

Sisimulan ang paggamit ng mga manga booklet na may titulong “The Messiah” na tumatalakay sa kwento ni Hesu Kristo sa mga kariton klasrum sa Agosto hanggang Disyembre. Target ng DepEd na ipagpatuloy pa ito sa Visayas at Mindanao sa susunod na taon. Ito ay nakasulat sa wikang Ingles at balak isalin sa wikang Filipino.

Ang “Hope For Living Philippines” (HFLP) ay nagsimula noong 2014 nang magtungo ang NLM sa Tacloban para magbigay-tulong sa mga child survivors ng bagyong Yolanda. Sa kanilang pagbisita ay napag-alaman ng organisasyon na tumutulong din ang DTC sa mga ito kaya’t napagkasunduan nila na magkapit-bisig para mas matulungan ang mga kabataan katuwang din ang DepEd.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento