Miyerkules, Agosto 5, 2015

10 coast guard vessels ipapautang ng Japan sa Pilipinas

Ni Florenda Corpuz


Pinirmahan ng JMU ang kasunduan hinggil sa pagbibigay ng 10
coast gurad vessels sa Pinas na sinaksihan mismo ni Pangulong Aquino sa
kanyang state visit sa Japan kamakailan.
 (Kuha mula sa Japan Marine United Corp at Marubeni Corp)
Tokyo, Japan – Sigurado na ang pagbibigay ng 10 coast guard vessels ng Japan sa Pilipinas sa susunod na taon sa pamamagitan ng loan na nagkakahalaga ng ¥19 bilyon.

Sinaksihan ni Pangulong Benigno S. Aquino III sa kanyang nakaraang state visit sa bansa ang paglalagda sa kasunduan sa pagitan ng Department of Transportation and Communications (DOTC) at Japan Marine United Corporation (JMU) sa tulong ng Marubeni Corporation para sa konstruksyon ng 10 multi-role response vessels (MRRVs) para sa Philippine Coast Guard (PCG).

Bukod sa 10 MRRVs ay maglalaan din ang JMU ng mga espesyal na spare parts.

Tutustusan ang “Marine Safety Capability Improvement Project” ng Official Development Assistance (ODA) ng Japan sa pamamagitan ng Special Terms for Economic Partnership (STEP).
Layon ng proyekto na mapabuti ang kakayahan ng PCG para sa mas mabilis at angkop na pagtugon sa mga maritime incidents tulad ng search and rescue efforts at maritime law enforcement.
Ayon sa JMU, ang mga MRRVs ay gagawin sa kanilang shipyard sa Yokohama. Bawat vessel ay may habang 44 na metro, lapad na 7.5 metro at lalim na apat na metro. Ang standard cruising speed nito ay 15 knots at Nippon Kaiji Kyokai na klase (Class NK) na may kapasidad na limang officers at 20 crewmen.
“JMU will utilize its rich construction experience that typified the vessels for the Japan Coast Guard, and will actively engage worldwide ODA projects by the Japanese government to contribute to international cooperation,” saad ng Japan Marine United Corporation sa isang pahayag.
Sinabi naman ng Marubeni na umaasa ito na sa pamamagitan ng proyekto ay makakatulong sila sa bilateral relationship sa pagitan ng Pilipinas at Japan.
“Marubeni will utilize its business performance built up over more than 100 years in the Philippines by the social/transportation infrastructure projects to the commodity trading and will contribute to the development of the bilateral relationship.”
Nakatakdang i-deliver ang mga MRRVs mula Agosto 2016.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento