Ni
Florenda Corpuz
Tinanggap ni FM Kishida sina MILF Chairman Al Haj Murad Ibrahim,
NCMF Secretary Yasmin Bursan-Lao at Ambassador Manuel Lopez
sa sidelines ng Japan-organized “High-Level Seminar on
Peacebuilding, National Reconciliation, and Democratization in Asia”
sa United Nations University sa Tokyo. (Kuha mula sa
Embassy of the Republic of the Philippines)
Ipinagtibay ni Japanese Foreign
Minister Fumio Kishida ang suporta ng pamahalaang Hapon sa kapayapaan at
pag-unlad sa Mindanao lalo na sa Bangsamoro.
Sa pulong kasama sina Moro Islamic
Liberation Front (MILF) Chairman Al Haj Murad Ibrahim, National Commission on
Muslim Filipinos (NCMF) Secretary Yasmin Bursan-Lao at Philippine Ambassador to
Japan Manuel M. Lopez sa sideline ng High-Level Seminar on Peacebuilding,
National Reconciliation, and Democratization in Asia na ginanap sa United
Nations University kamakailan, pinuri ni Kishida ang matatag na progreso sa
peace process at inulit ang pangakong pagtulong ng Japan sa pamamagitan ng J-BIRD
Phase II.
Hinikayat ni Kishida ang mga
opisyal ng GPH at MILF peace panel na ipagpatuloy ang pamumuno tungo sa pagtatatag
ng Bangsamoro at pagpapanatili sa bunga ng pagbabago sa peace process.
Pinasalamatan naman ni Murad ang
pamahalaang Hapon sa papel na ginampanan nito sa peace process na inilarawan
niya bilang “turning point” sa negosasyon. Matatandaang nakipagkita si
Pangulong Aquino sa pinuno ng MILF sa Narita noong Agosto 4, 2011.
Nagpahayag din ng pasasalamat si Busran-Lao
sa pamahalaang Hapon at ibinalita ang unang bahagi ng decommissioning process
para sa MILF weapons and combatants na sinaksihan ni Pangulong Aquino.
Pinasalamatan din ni Lopez ang Japan
sa kanilang pagtitiyak sa suporta sa Mindanao.
Samantala, sa kanyang speech sa
seminar sinabi ni Murad na, “With the manifestation of strong commitment of the
President and his allies in the Philippine Government and the support of the
international community as well as the peace-loving people both in the country
and the world, we are still looking forward to the future of the process as the
Philippine, MILF and the international community have invested much efforts and
resources in the process.”
Tinalakay naman ni Busran-Lao ang papel
ng kababaihan sa tagumpay ng peace process sa kanyang presentasyon sa panel
discussion sa “Peacebuilding and Women and Children.”
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento