Ni
Elvie Okabe, DBA/MAE
Napakabilis
ng panahon! Summer vacation na naman sa Japan na usually ay matindi ang init
pero ngayon taon ay mukhang ‘di na masyadong mainit dahil sa paulan-ulang
panahon galing sa Pilipinas. Salamat sa Diyos sa mga pagkakataong ganito,
salamat sa mga pagsubok sa buhay na kadalasan ay sinasabi nating “blessings in
disguise.”
Ano
po ang ibig sabihin ng blessings in disguise? Ang ibig sabihin po nito ay ang bawat
malungkot o hindi magandang pangyayari ay may maganda rin ibig sabihin o
kahihinatnan.
Sa
totoo lang po, ang ulan ay pandilig ng mga halaman, patubig para sa mga magsasaka,
pang-linis ng mga kalye pati na rin ng mga sasakyan, pambalanse sa mainit na
panahon lalo na sa mga tropical countries gaya ng Pilipinas, at marami pang
iba.
May
kasabihan nga po na “when it rains, it pours” na ang ibig sabihin ay ‘pag
bumuhos ang grasya ay talagang sunud-sunod. Kung ito lamang ang iisipin at isasapuso
natin tuwing umuulan at makulimlim ang panahon ay talaga pong magiging
masayahin po tayo at lagi natin hahanapin ang pagkakataon na makapaglakad sa
ulan.
Tulad
na lamang ng mga Japanese na sa kaunting pag-ulan ay mas gusto nilang mabasa
kaysa magpayong at para sa akin ay tinitingnan din nila ang ulan bilang isang
biyaya mula sa kalangitan.
Sabi
nga ng mga matatanda, masuwerte ang mga taong sa araw ng kanilang kasal o
anumang okasyon o kahilingan sa buhay ay may senyales ng pag-ulan-ulan. Samakatuwid, anu-ano po ang mga blessings na
sa kabila ng kalungkutan ay dapat nating bilangin bilang mga biyaya galing sa
Diyos?
1. “Iyong
akala natin ay hindi naging mabait si Lord sa atin dahil may mga bagay o
pangyayari na nagaganap na naging hindi maganda ang resulta o nangyayari na
hindi naaayon sa ating kagustuhan.“Ngunit lagi naman
natin napapatunayan na lahat ay nangyayari dahil may dahilan. Magandang
dahilan. Sabihin na natin na may “purpose ang lahat ng bagay”. - Dhors ng
Definitely Filipino blog.
2. Tuwing
tayo ay pinupuna o inaaway ng ibang tao dapat po ay pasalamatan natin sila o
tumahimik na lamang at huwag masaktan, huwag magalit, o huwag itong suklian ng
masama. Ang opinyon ay isang opinyon at
ang tunay na katotohanan ay ang katotohanan sa mata ng Diyos. The more we accept
the pain, the more we become immune to the pain; and the more we don’t
complain, the more God will bless us and the more we’ll be sustained.
3. Tandaan
po natin “Ang buhay ng tao ay parang isang mahabang road trip. Dumadaan at humihinto
tayo sa mga istasyon ng ating paglalakbay kung saan nararanasan natin ang iba’t
ibang hamon at emosyong dala ng buhay. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay enjoy o
kasiya-siya ang ating nararamdaman sa tuwing humihinto tayo sa mga istasyong
ito. “Nakakaramdam din
tayo ng lungkot, pighati, galit at kung minsan pa nga’y kasawian. Anuman ang
ating nararanasan sa ating paghinto sa road trip na ito, kailangan nating
tandaan na pansamantala lamang ito. Kailangan nating mag-move on upang
makarating naman tayo sa ating susunod na destinasyon,” ani sa The Wingless
Litterateur’s Haven blog.
4. Ang
sabi nga po ng isang Salesian priest na nailathala sa Kiliti ng Diyos blog ,
“Sa ating buhay ay marami tayong nararanasang blessings in disguise! ‘Wag na
nating hintayin pa ang huling sandali upang masabi nating “blessing” ang mga
nangyayari sa atin. Sa pamamagitan
ng pananampalataya ay maaari nating makita ang biyaya ng Diyos sa kabila ng
maraming masamang nangyayari sa ating buhay.”
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento