Ni
Florenda Corpuz
Kuha ng NASA/Bill Ingalls |
Isang Japanese rocket ang
inilunsad kamakailan sa Tanegashima Space Center, Tanegashima Island, Kagoshima
Prefecture, dala ang isang high-tech na instrumento na susukat sa dami ng ulan
at niyebe.
Sakay ng H-IIA rocket ang $900
million satellite na tinawag na Global Precipitation Measurement (GPM) Core
Observatory na joint Earth-observing mission ng NASA at Japan Aerospace
Exploration Agency o JAXA.
“With this launch, we have taken
another giant leap in providing the world with an unprecedented picture of our
planet's rain and snow,” ani NASA Administrator Charles Bolden.
“GPM will help us better
understand our ever-changing climate, improve forecasts of extreme weather
events like floods, and assist decision makers around the world to better
manage water resources,” dagdag pa nito.
Idinisenyo ang GPM para
makapagbigay ng mas detalyadong impormasyon tungkol sa global precipitation.
Made-detect din nito ang mahinang pag-ulan at pagpatak ng niyebe.
Inaasahan na malaki ang
maitutulong ng GPM sa pagpapabuti ng kapasidad ng Tropical Rainfall Measurement
Mission o TRMM na joint mission din ng NASA at JAXA na inilunsad noong 1997 at
hanggang ngayon ay patuloy pa rin.
“It is incredibly exciting to see
this spacecraft launch,” sabi ni GPM Project Manager Art Azarbarzin. “This is
the moment that the GPM Team has been working toward since 2006. The GPM Core
Observatory is the product of a dedicated team at Goddard, JAXA and others
worldwide. Soon, as GPM begins to collect precipitation observations, we'll see
these instruments at work providing real-time information for the scientists
about the intensification of storms, rainfall in remote areas and so much
more.”
Ang GPM ay una sa limang earth
science missions na planong ilunsad ng NASA ngayong taon. Ito ay binuo sa
Goddard at pinakamalaking spacecraft na ginawa rito. Taglay nito ang dalawang
instrumento na susukat sa dami ng ulan at niyebe kada tatlong oras – ang GPM Microwave Imager mula sa NASA at
Dual-frequency Precipitation Radar (DPR) na nilinang naman ng JAXA at National
Institute of Information and Communication Technology, Tokyo.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento