Uchusentai NOIZ covers Rivermaya's “Liwanag
Sa Dilim”
Gumawa
ng bersyon ng kantang “Liwanag sa Dilim” ng Rivermaya ang Japanese band na
Uchusentai NOIZ na umani ng papuri sa mga fans nito ditto sa Pilipinas. Naka-post
ang naturang music video ng grupo sa social media site na YouTube.
Naisipan
ng grupo na gawin ang Liwanang sa Dilim matapos na bumisita sa Tacloban ang
lead singer nito na si Angel Taka upang tumulong sa mga naging biktima ng
bagyong “Yolanda.” Nagustuhan ng grupo ang mensahe ng kanta na tungkol sa pagiging
matatag sa bawat problemang dumarating.
Bukod
kay Taka, binubuo ang banda nina Masato, Kyo, kotaro at Yamato na kilala sa
pagtugtog ng mga kantang may pagka-rock, punk, hiphop, metal at electronic. Mahilig
din sila magsuot ng cosplay-like outfits.
Matatandaan
na noong 2012 ay gumawa rin ng bersyon ang Uchusentai NOIZ ng kanta ng
Kamikazee na “Narda.”
Maja Salvador, singer na rin
Naglabas
ng debut album na pinamagatang “Believe” ang Kapamilya star na si Maja Salvador
sa ilalim ng Ivory Music and video kamakailan. Tuwang-tuwa si Maja dahil,
aniya, ay matagal na niyang pangarap ang maging singer.
“Hindi
lahat sumusugal na bigyan ng album ang isang artista so I’m very thankful.
Sobrang naa-amaze ako sa nangyayari sa akin today,” pahayag ng dalagita na tinagurian
din “Dance Princess.”
Mayroong
walong tracks ang album kung saan ang kantang “Dahan-Dahan” ang kanyang carrier
single. Mayroon din collaboration si Maja kasama si Abra na pinamagatang “Halikana”
at kabilang din sa album ang kantang “Buong Gabi” na siya mismo ang nagsulat.
Pharrell Williams, bagong coach ng “The
Voice”
Ibinunyag
na ng pamunuan ng NBC’s singing reality talent show na “The Voice” na ang
Grammy winner na si Pharrell Williams ang papalit kay Cee Lo Green sa season 7
ng naturang show.
Matatandaan
na inanunsiyo ni Green noong Pebrero na hindi na siya makakabalik pa sa popular
na singing competition sa Amerika kaya marami sa mga fans ang nag-aabang sa
magiging kapalit niya.
Hindi
na rin bago si Pharell sa The Voice dahil noong season 4 ay lumabas na rin siya
bilang music adviser para sa Team Usher.
“He
has already made a considerable impact as a mentor, drawing on an impressive
track record as both a producer and performer. It is a perfect fit for 'The
Voice' as we evolve and reach for new heights with this franchise. It feels
like we are welcoming an existing family member home,” pahayag ni Paul Telegdy ng
NBC Entertainment.
Lalong
umingay ang pangalan ni Williams ng maging composer ito ng soundtrack ng
pelikulang “Despicable Me,” ang kanyang Oscar nominted song na “Happy” at ang
Grammy winning collaboration nito kasama ang Daft Punk sa kantang “Get Lucky.”
OPM artists nagsama-sama sa “Awit ng
Paghilom”
Nagsama-sama
ang mga bigating mang-aawit, composers at producers ng Element Music Camp upang
makapaglabas ng music album na pinamagatang “Awit ng Paghilom” na naglalaman ng
mga nakaka-inspire na mga kanta.
Handog
ito ng grupo sa mga biktima ng bagyong “Yolanda” kung saan ang mga kanta ay
nilikha ng 60 campers at 24 mentors.
Ilan
sa mga kilalang mentors na bahagi ng proyektong ito ay sina Joey Ayala, Gabby
Alipe ng Urbandub, Jimmy Antiporda, Ogie Alcasid, Noel Cabangon, Jay Contreras
ng Kamikazee, Ebe Dancel, Aia De Leon, Jay Durias, Gloc-9, Raimund Marasigan,
Jungee Marcelo, Armi Millare ng Up Dharma Down, Jazz Nicolas ng Itchyworms, Jim
Paredes, Quest at Rey Valera.
Ang
malilikom na halaga mula sa pagbebenta ng naturang album ay ang siyang
gagamitin sa pagpapatayo ng bahay o kaya ng livelihood program para sa mga
biktima ng bagyo.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento