Ni Elvie Okabe,
DBA/MAE
Happy
Easter (Pasko ng Pagkabuhay ni Hesus) mga kababayan! Ito ang aking pagbati sa bawat
Pilipino ngayong Easter season na tatagal mula Abril 20 hanggang Hunyo 7 na
dala ang bagong pag-asa.
Saktong-sakto
ang mensahe ng Easter season dahil kamakailan lamang ay nagdesisyon si Japanese
Prime Minister Shinzo Abe at ang Gabinete nito na magbukas ng pagkakataon sa
marami pang dayuhang manggagawa na makapagtrabaho sa Japan. Nangangahulugan
lamang ito ng mas maraming oportunidad para sa mga Pilipino na magkaroon ng
trabaho dito sa bansa na tinaguriang “Land of the Rising Sun.”
Naging
batan sa desisyong ito ang tumatandang papulasyon ng Japan dahil sa pakaunti na
ng pakaunti ang mga kabataang Hapon na ipinapanganak. Sa kasalukuyan ay maraming mga Pinoy na
factory workers, information technology (IT) professionals, English teachers,
scholars, professors, nurses, at iba pa rito sa Japan. Ang tatlong sektor na bubuksan at hinabaan pa
ang working stay sa Japan ay ang construction, medicine, at agriculture.
Dati
nang bukas ang Japan sa mga trainees sa construction, welding, at sa assembly
ng car parts, ngunit hanggang trainees na lang sila hanggang matapos ang
kani-kanilang kontrata ng tatlong taon. Ang
bagong batas ngayon para sa mga construction workers at iba pa ay simula
tatlong taon hanggang walong taon na ang kontrata.
Salamat
sa mga reklamo ng mga dayuhan dito at pagpupursigi ng mga abogadong Hapon sa Labor
office ng Ministry of Justice & Immigration ng Japan na maitaas ang antas
ng mga trainees bilang legitimate workers, pagtaas ng kanilang suweldo at pagpapahaba
sa kanilang kontrata.
Inaasahang
magkakaroon na naman ng construction boom this year hanggang 2020 dahil sa
paghahanda sa World Olympics na gaganapin dito sa Tokyo, Japan. Siyempre, kapag may construction boom
magiging malago o lalong lalago ang ekonomiya ng Japan at lahat ng mga sectors
ay susunod na rin gaya ng mga industriya ng tourism and hospitality, transportation,
agriculture and food supplies, manufacturing, health providers, international
education, at marami pang iba.
Dahil
sa lalo pang paglago ng ekonomiya ng Japan ay inaasahang tataas pa ang standard
compensation o suweldo, ngunit ang kasunod naman nito ay ang pagtaas ng income
tax, property tax, at value added tax ng mga bilihin.
Marahil
maiisip natin na oo nga at tumaas ang suweldo ngunit masakit din sa bulsa ang
pagtaas ng tax. Talagang ganyan ang
buhay, hindi lang puro tanggap ng biyaya, dahil sabi nga sa Bibliya: “Magbigay
ang bawa't isa ayon sa ipinasiya ng kaniyang puso: huwag mabigat sa loob, o
dahil sa kailangan: sapagka't iniibig ng Dios ang nagbibigay na masaya.”
At
siyempre, isipin na lang natin ang mga biyayang nakalaan at matuto tayong
ibalik ang pasasalamat sa mga biyaya una sa Diyos, sunod sa pamahalaan at sa
mga mahihirap. Isipin po natin ang mga magagandang biyaya sa pagtatrabaho rito
sa Japan gaya ng mataas na suweldo kumpara sa ‘Pinas, madaling makahanap ng
trabaho, mura ang bayad sa ospital at dentista basta may health insurance, at
higit sa lahat pwede tayong mag-refund ng ating sariling income tax o ng income
tax ng ating asawa every five years na umaabot ng isang daang lapad depende sa
suweldo.
Mayroon
po kaming libreng consultation para rito at iba pang consultation sa ibang
problema para sa maayos at tamang pamumuhay dito sa Japan. Tumawag lamang po sa aming opisina sa
08050089888.
Happy
Easter pong muli at all glory to God forever!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento