“Smoking appears to be a risk factor for developing
lower spine risk space narrowing than can lead to surgical treatment. Quitting
smoking can reduce the risk,” ang paliwanag ni senior study author Dr. Arkan
Sayed-Noor, na isa rin researcher ng Umea University.
Kaugnay ito ng lumabas na resulta ng Swedish study na
pinangunahan ni Sayed-Noor, na napag-alamang ang paninigarilyo ay may malaking
kontribusyon sa mas mataas na lower back pain risk, na kalaunan ay
kinakailangang ayusin sa pamamagitan ng spinal surgery.
Pinag-aralan ng mga siyentipiko ang may datos mula sa
331,941 construction workers na
bahagi ng occupational health registry sa buong Sweden. Inobserbahan ang mga
study participants sa loob ng mahigit 30 taon. May 44 porsyento rito ang
non-smokers, 16 porsyentong ex-smokers, 26 porsyentong moderate smokers, at 14
porsyentong heavy smokers.
Mula rito, natukoy na ang 1,623 sa mga ito ay dumaan sa
operasyon para sa lumbar spinal stenosis.
Common cause of lower back pain
Inilarawan ang lumbar spinal stenosis bilang
pagsisikip ng spinal canal at dahil dito ay nagdudulot ito ng pressure sa
spinal cord at nerves. Dagdag pa ng mga mananaliksik, ang nicotine na siyang
nagdudulot ng pamamaga at konstriksyon sa pagdaloy ng dugo ay lalo pang
nagpapalala sa pagkakaroon ng lumbar spinal stenosis, na karaniwang dahilan ng
mga nararamdamang sakit sa likod ng katawan.
Bagaman kadalasan ay nagkakaroon nito habang
tumatanda, ang mga naninigarilyo ay mas maagang nakararanas nito dahil sa mas
mahinang buto at sirang spinal tissues na nagdudulot ng mas matinding sakit
kumpara sa kundisyon ng ibang hindi naninigarilyo, ayon din sa mga siyentipiko
ng The Spine Journal.
Ang mga heavy smokers ay may 46 porsyentong tsansa na
kailanganin ang spinal surgery; nasa 31 porsyentong increased risk naman para
sa mga moderate smokers; at 13 porsyento sa mga dating naninigarilyo.
Muscle weakness and increased
lower back strain
Sa ibang mga pag-aaral, tinukoy ang iba pang mga
contributing factors sa increased lower back pain gaya ng pagtanda at obesity
ngunit ang bagong pag-aaral na ito ay lalong nagpapatunay sa malaking koneksyon
ng paninigarilyo at spinal surgery.
Kadalasan pa, ang heavy smoking habit ay kaugnay din
ng sedentary lifestyle (too much sitting and little physical activity) na
maaaring magpalala ng lower back strain at paghina ng mga kalamnan.
Nagkakaroon din ng mas mahinang bone density at mas
mabagal na paggaling mula sa back fractures. At naaapektuhan din nito ang
sensory at hormonal system na nagdudulot sa lalong pagiging sensitibo ng
katawan sa sakit.
Sa kabila ng resulta, hindi naman naisama ng
pag-aaral ang pag-aanalisa sa exercises habits ng study participants. Dahil
puro mga kalalakihan ang naging subjects, maaaring magkaiba ang resulta nito sa
mga kababaihan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento