Miyerkules, Pebrero 7, 2018

Signature recommends: The best books this January




Naumpisahan mo na ba ang reading challenge mo ngayong taon? Kung isa ka sa mga nakikibahagi sa taun-taong reading challenge ng Goodreads o kaya naman ay naghahanap ng mga bagong librong babasahin ngayong 2018, swak ang listahan ng Signature, isang literary website na binuo ng American multinational publishing na Penguin Random House, para sa mahilig sa historical fiction, contemporary romance, coming-of-age, essays, mystery, science fiction, psychological fiction, at biography. 
Stirring debuts  

Sa 14 na napili ng Signature, tatlo rito ang debut novels na mula kina Sam Graham-Felsen (Green), Sharon Bala (The Boat People), at Thomas Pierce (The Afterlives). Magkakaibang genre, magkakaibang kwento at karakter ngunit pare-parehong tumatalakay sa mga nakamamanghang pagharap at pagsubok na hindi nalalayo sa tunay na buhay. 

Isang coming-of-age ang kwento ng “Green” noong 1992 sa Boston na tungkol sa teenager na si David Greenfeld, isa sa nabibilang na white kids sa Martin Luther King, Jr., Middle School na makakahanap ng hindi inaasahang kaibigan sa katauhan ni Marlon Wellings, nang ipagtanggol siya nito sa ibang mga estudyante sa cafeteria. 

Base naman sa mga totoong kaganapan noong 2010 ang paksa ng “The Boat People” na sinusundan ang mag-amang sina Mahindan at anim na taong-gulang na lalaking anak na si Sellian, na kabilang sa grupo ng tinatayang 500 refugees mula sa Sri Lanka patungo sa paghahanap nila ng ligtas at bagong tirahan sa kanilang pagdating sa Vancouver. 

Sa “The Afterlives,” isang lalake sa kanyang 30s na si Jim Byrd ang inatake sa puso at namatay ngunit sa loob lamang ng ilang minuto ay nabuhay siyang muli. Walang naaalala si Jim sa kabilang buhay ngunit isang multo ang magpapakita sa kanya at sa kanyang asawa, na magbubukas sa mga misteryosong kaganapan. 

Contemporary romance from bestselling authors 

Ang mga tagahanga ng 1995 novel na “High Fidelity” ni Nick Hornby ay siguradong makakahanap ng panibagong mamahalin sa “The Music Shop,” ang pinakabagong nobela ni Rachel Joyce, ang bestselling author ng “The Unlikely Pilgrimage of Harold Fry” at “The Love Song of Miss Queenie Hennessy.” 

Nakatakda sa 1988 ang kwento ng pagtatagpo ng music shop owner na si Frank, na magaling sa pag-uugnay ng mga customers nito sa musika ngunit hindi sa pakikipag-ugnayang personal sa mga tao, at ng isang misteryosong babaeng lalapit sa kanya, si Ilse, na hihiling na turuan siya sa musika. 

Nagbabalik naman si Louisa Clark, ang iconic heroine ng “Me Before You” at “After You” ni New York Times bestselling author Jojo Moyes sa pinakabago nitong nobela, ang “Still Me” na nakatakdang lumabas sa Enero 30. 

Sa pagkakataong ito, mahahanap ni Lou ang kanyang sarili sa New York habang pinapanatili ang relasyon niya kay Sam kahit malayo ito. At sa pamamagitan ng kanyang trabaho ay mararanasan niya ang high society kung saan niya makikilala si Joshua Ryan. 

A family saga and a sisters’ bond 

Sa New York 1969 ng “The Immortalists” ni Chloe Benjamin, makikilala ang apat na magkakapatid – Simon, Klara, Varya at Daniel at ang kanilang pakikipagsapalaran pagkatapos nilang marinig ang propesiya tungkol sa susunod na limang dekada ng kanilang mga buhay mula sa isang traveling psychic – isang kaalaman na may malaking kapalit. 

Sinusundan naman ng “Everything Here is Beautiful” ni Mira Lee, ang relasyon ng dalawang magkapatid na babae – ang responsableng ate na si Miranda at ang nakababatang mayroong sakit sa pag-iisip na si Lucia. Mahaharap sa isang malaking kaganapan si Lucia at darating si Miranda para iligtas siya ngunit hindi ito ang gusto ni Lucia.  

Kabilang din dito ang biographies na  na lalabas ngayong Enero 30 ang “The Monk of Mokha” ni Dave Eggers tungkol sa paglalakbay ng isang Yemeni-American sa Yemen para buhayin muli ang kultura ng Yemeni coffee hanggang sa maipit siya rito ng civil war, “Jefferson’s Daughters” ni Catherine Kerrison tungkol sa tatlong anak ng ikatlong presidente ng Amerika na si Thomas Jefferson, at “Winter” ni Karl Ove Knausgaard na second volume ng seasonal autobiographical quartet na koleksyon ng letters at meditations. 

Gayon din ang psychological thriller tungkol sa isang ina, kanyang anak at kasintahan nito sa “The Girlfriend” ni Michelle Frances), ang 1910 Russia historical fiction na “The Winter Station” ni Jody Shields, ang best science fiction book 2017 ng The Guardian na “Gnomon” ni Nick Harkaway; at ang literary essay collection na “Late Essays” ni J. M. Coetzee. 









Walang komento:

Mag-post ng isang Komento