Miyerkules, Pebrero 7, 2018

Budji + Royal Architecture + Design pangungunahan ang disenyo ng New Clark City


Nito lamang huling bahagi ng Disyembre ay ginanap ang groundbreaking rites ng isinasagawang bagong Clark International Airport (CRK) Terminal, na siyang una sa hybrid infrastructure projects sa ilalim ng “Build, Build, Build” program ng administrasyong Duterte.
At kabilang sa proyektong ito ang designing tandem ng Budji + Royal Architecture + Design, na kinomisyon ng Bases Conversion Development Authority (BCDA) sa pagdidisenyo ng naturang terminal na bahagi ng New Clark City (NCC), ang binubuo na magiging kauna-unahang “smart, green, disaster-resilient city” ng bansa.

Mapupuntahan ang New Clark City sa pamamagitan ng expressway at ang Philippine National Railways (PNR) North na itatayo ng Japan.

Makikipagtulungan ang Budji + Royal sa Aecom, isang American engineering firm at urban planner. Maliban sa bagong Clark terminal, pangungunahan din ng designing duo ang disenyo ng Philippine Sports City Complex.

Asia’s next premier gateway

Ang terminal ay may floor area na 140,000 square meters, na kasing-laki ng Hong Kong International Airport Terminal 2. May kapasidad itong makatanggap ng dagdag na walong milyong pasahero bawat taon at higit na makatutulong sa pagbabawas ng siksikan sa Kamaynilaan.

Sa panayam ng Inquirer kina designer Antonio “Budji” Layug at architect Royal Pineda, nagpahayag ang dalawa ng pagkagalak sa pagiging bahagi ng New Clark City project.
We were tapped by the government to make sure that the soul of the Philippines will be present,” ang paglalahad ni Layug. Dagdag naman ni Pineda, “From the beginning, we wanted to present our roles as architect and designer without being part of politics. We can influence the country by design.”

Nagsimula ang partisipasyon ng Budji + Layug sa infrastructure program ng gobyerno nang iprinisinta nila ang kanilang disenyo ng “Luzviminda” bridge sa World Design Capital sa Taipei nitong nagdaang taon.

Inspirasyon ng disenyo na pag-ugnayin ang mga isla ng Pilipinas para maisulong ang inter-island tourism para sa mas malawakang pang-ekonomiyang pag-unlad.

Nakatakda itong matapos sa loob ng dalawang taong construction period.

World-class green community that pays homage to Pampanga’s parol

Saklaw ng NCC ang may 9,450 ektarya at ang Philippine Sports City ang magiging sentro nito na bubuuin naman ng aquatic center (2,000 capacity), athlete’s village, at main stadium (20,000 capacity) na mayroong 200 ektarya (first phase). Magkakaroon din dito ng mga gusaling pang-komersyo at retail sa kanlurang bahagi nito, at isang river corridor.

Binibigyang-pugay din ng Budji + Layug ang parol ng mga taga-Pampanga at ang Mt. Pinatubo na makikita sa disenyo ng stadium at ng kabuuang sports complex.

Mula sa inspirasyon ng Mt. Pinatubo, gawa sa lahar ang mga pader ng stadium, ang bubong nito ay parang bunganga ng bulkan, at kulay-ginto na hugis letrang V ang steel frames nito na gaya ng balangkas ng parol. Hango naman sa Capiz parol ang bubungan ng Aquatic Center na may malaking open shed. At sa gabi ay parehas na magliliwanag ang Aquatic Center at stadium. 

Layong matapos ito sa Agosto nang susunod na taon para magamit sa Southeast Asian Games (SEA) Games.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento