Mapakarera sa trabaho o negosyo ay nagdadaan ang isang tao sa mga
sandaling nakukulangan siya sa kanyang tinatamasa. Ang hatid nito ay kawalan ng
kasiyahan (satisfaction) at gana sa kanyang
ginagawa na sa huli ay nagdudulot ng mga desisyon na hindi
praktikal. Bakit nga ba umaabot sa
puntong nawawalan ng gana kahit pa ang ginagawa ay may kinalaman sa iyong “passion”?
Don’t follow your passion?
Kontra sa kadalasan na ipinapayo ng karamihan na “follow your passion” ay
hindi ito ang susi para magkaroon umano ng pagkakuntento sa buhay. Ito ay dahil
sa kung gagawin mo kung ano lang ang gusto mo ay kinukundisyon mo ang iyong
sarili na kailangan ay pasisiyahin ka ng tinatrabaho mo.
Tipong dapat may ihatid na
maganda sa iyo ang iyong tinatrabaho, at hindi kung ano ang magagawa mong mahalaga
rito. Kaya naman kung hindi na nasusunod ang gusto o “vision” mo ay nawawalan ka ng ganang magpatuloy.
Kaya naman iba ang “passion mindset” sa tinatawag na “craftsman’s mindset.”
Sa craftsman’s mindset ang laman ng isipin ay tungkol sa pagpapainam ng
trabaho at sarili. Hindi ito usapin kung
saang larangan ka at kung nababagay ba ito sa iyo kundi sa kalidad ng iyong hinahatid
at layunin. Parang itong sa isang
naglilok na may kapirasong kahoy na kanyang pagtitiyagaan na hulmahin hanggang
sa maging obra maestrang kaaaya-aya at kapaki-pakinabang. Ganito rin sa
pagnenegosyo at pagtatrabaho, mainam kung alam mo ang misyon ng iyong kumpanya
at ano ang maiaambag mo para magawa ito.
Choose to grow
Ayon sa life coach na si Andy Craig sa kanyang website na “Abundant Life
Coaching” ay mabuti rin kung marunong makuntento ang isang tao sa kinalabasan
ng kanyang desisyon. Subalit hindi ito dapat tumigil na mangarap at kamtin ang
mga iyon kahit gaano kalaki at katayog.
“There is a saying, which I agree with completely, that we are either
growing or decaying in life. When you choose to become satisfied with
current circumstances for too long, you begin to die to yourself,” saad pa ni Craig.
Samantala, sa isang panayam kay Sheryl Sandberg, chief operating
officer ng Facebook at founder ng Lean In Foundation, sinabi niyang ang
isa sa pinakamagandang payo na natanggap niya ay “Stop being an idiot; all that
matters is growth.” Ang payong ito ay nakuha niya umano sa dating Google Executive
Chairman Eric Emerson Schmidt noong kinukuha siya nito bilang general manager
ng Google.
Totoo na mahirap pagtagpi-tagpiin ang tamang lokasyon, sitwasyon at pagkakataon
na naghahatid ng kasiyahan. Iyan ay lalo na kapag hihintayin mo lamang na ihain
ito sa iyo at hayaan na magpaapekto sa maling pananaw. Walang makakapagbigay ng
kasiyahan maliban sa iyo na handang kamitin ito. Magagawa ito kung una ay
matututuhan mong paunlarin ang sarili para magkaroon ng kasanayan, karanasan,
kapakinabangan, at sa huli ay ligaya sa iyong ginagawa.
The struggle is real: How to achieve career satisfaction?

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento