Martes, Pebrero 6, 2018

CES 2018: Sony, Omron, LG, Samsung lead the best of new innovations

Sony Aibo
Taun-taon, dinarayo at inaabangan ang mga kaganapan sa Consumer Electronic Show (CES) na ginaganap tuwing Enero sa Las Vegas Convention Center kung saan nagsasama-sama ang mga maliliit at malalaking electronic companies para iprisinta ang kani-kanilang bagong linya ng mga produkto.

Pinili ng news.com.au, ang nangungunang news website ng Australia ang tinagurian nitong “the best of the world’s largest consumer tech convention.”

Omron’s Forpheus: Improving the relationship of humans and machines

Binansagang “the coolest” ang Forpheus na imbensyon ng Japanese electronics company na Omron dahil sa magaling na paggamit nito ng robotics, machine learning, sensing control, at artificial intelligence.

Ngayon, pwede ka nang maglaro ng table tennis kasama ni Forpheus, isang AI robot na patunay na ang mga robot at mga tao ay kayang makipagtulungan sa isa’t isa.

Sa pamamagitan ng three-camera system, natutukoy nito ang bola at ang kalaro nito, isang motion controller naman ang nagsasabi sa high-speed robotic arm para tamaan ang bola, at machine learning para analisahin ang skill level ng kalaro nito.

Kaya rin nitong tukuyin ayon sa galaw mo kung gagawa ka ng smash, gayon din ang paggawa ng tunog depende sa kundisyon ng match, at pagbibigay ng encouraging messages gamit ang face recognition.

Sony Aibo: Iconic entertainment robot dog makes a long-awaited return

Taong 1999 nang unang ilunsad ng Japanese electronics company Sony ang first generation ng Aibo (artificial intelligence robot) kung saan 3,000 units nito ay na-sold out sa loob lamang ng 20 minuto online. Tinapos ang produksyon nito noong 2006, ngunit ngayong taon, ay nagbabalik ang robotic puppy na mas marami nang kapasidad kaysa sa unang edisyon nito.

Mas makatotohanan na ito dahil sa OLED eyes (for displaying more nuanced expressions), motion detection, voice control, advanced artificial intelligence (develops own personality), at facial recognition (identifies members of your family, can tell objects from people).

At mas maraming tricks na rin ang kaya nitong gawin – maghanap ng bola o buto, humiga, kumahol, umupo, igalaw ang buntot at ulo, mag-high-five, at rumeresponde sa back scratch at voice commands.

Nakakaintindi rin ito ng English at Japanese ngunit nakatakdang maglabas ng iba pang lengguwahe ang Sony. Nagsimula na rin ang shipping rito sa Japan nitong kalagitnaan ng Enero.

Flexible and extremely high resolution TVs

Sa bungad ng pasukan ng convention center ay namamangha ang mga CES attendees sa isang 92-foot-long immersive concave installation ng LG OLED Grand Canyon, na tampok ang 246 LG Open Frame OLED displays.

Ang LG OLED Grand Canyon ay 65-inch na flexible television screen na may roll-up feature na pwedeng ilagay sa isang maliit na tube, at dahil sa Open Frame OLED display nito ay pwede itong baluktutin para sa mga digital signange applications. Mayroon din itong LG OLED technology na gumagamit ng self-lighting pixels para sa mas magandang kontrol ng picture brightness at quality.

Kabilang ito sa 2018 LG OLED TVs na nagtataglay ng ThinQ artificial intelligence platform ng LG, na mayroon na ring Google Assistant at Amazon Alexa.

‘Di naman nagpapahuli ang Samsung sa kanilang “The Wall,” ang kauna-unahang modular MicroLED 146-inch TV kung saan ang mga microscopic LEDs ay naglalabas ng liwanag kaya’t ‘di na kinakailangan ang backlight.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento