Huwebes, Pebrero 1, 2018

‘Peace Boat’ bibisita sa Asya at Oceania




Lulan ng Peace Boat ang mga kinatawan ng Japan
Confederation of A- and H-Bomb Sufferers Organizations,
ICAN, at iba pa para sa anti-nuclear tour. (Kuha mula sa
Peace Boat website)

Isa ang Pilipinas sa mga bansang bibisitahin ng “Peace Boat,” isang non-governmental organization na naka-base sa Japan, para sa isang anti-nuclear tour katuwang ang International Campaign to Abolish Nuclear Weapons (ICAN).

Ayon sa ulat ng Kyodo na inilathala sa Japan Times, umalis sa Yokohama ang barko noong Enero 8 at bibisita sa walong bansa sa Asya at Oceania hanggang Marso.

Ipo-promote ng mga pasaherong nakasakay dito kabilang si Terumi Tanaka, co-chair ng Japan Confederation of A- and H-Bomb Sufferers Organizations (Nihon Hidankyo), ang nuclear disarmament. Ito ang unang beses niyang pagsama rito.

“Grass-roots lobbying is an important activity. I am looking forward to meeting people from various towns in the countries we will visit,” aniya.

Kasama ng Peace Boat dito ang Nobel Peace Prize winner na ICAN, isang samahan ng humigit-kumulang sa 470 non-governmental organizations mula sa mahigit sa 100 bansa sa buong mundo.
           
Magugunitang ipinasa ng 122 miyembro ng United Nations ang Treaty on the Prohibition of Nuclear Weapons noong Hulyo 2017.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento