‘Time Stands Still’ itatanghal sa 2015
Matapos
ang pagtatanghal ng “Cock,” “Closer,” at “Rabbit Role,” napili ng Red Turnip
productions na isadula ang 2009 Pulitzer Prize nominee for drama na “Time
Stands Still” ni Donald Marguilles mula Enero 30 hanggang Marso 8, 2015.
Kuwento
ito ng magkasintahang journalists na sina James at Sarah na kailangang makaalis
na sa Middle East na may nagaganap na digmaan matapos maging sugatan. Ipapakita
ang malaking pagbabago sa kanilang buhay mula sa magulong lugar patungo sa mas
ordinaryong buhay.
Gagampanan
ng mga batikang actor na sina Ana Abad Santos at Nonie Buencamino ang papel na
James at Sarah na magpapakita ng kahalagahan ng responsibilidad sa sarili, sa
mga minamahal sa buhay, sa komunidad at sa mundo.
‘Scrooge’ handog ng Repertory Philippines
sa Pasko
Itatanghal
ng Repertory Philippines sa darating na Nobyembre 21 hanggang Disyembre 14,
2014 ang “Scrooge” na gaganapin sa Onstage sa Greenbelt 1, Makati City bilang
pamaskong handog sa mga manonood.
Umiinog
ang istorya kay Ebenezer Scrooge na ayaw na ayaw sa Pasko at kasabay nito ay
ang kanyang hindi magandang pagtrato sa kanyang empleyadong si Bob Cratchit,
kliyente, pamangkin at mga kakilala.
Noong
bisperas ng Pasko ay nagpakita sa kanya ang kaluluwa ng kanyang dating kasosyo
sa negosyo na si Job Marley upang sabihing may bibisita sa kanyang tatlong
ispiritu. Una na rito, ang ispiritu ng nakaraang Pasko na nagpaalala sa kanya
ng malungkot na kabataan; pangalawa, ispiritu ng kasalukuyang Pasko na nagpapakita
ng mahirap na sitwasyon ni Bob ngunit kahit paano ay masaya pa rin ito; at
ikatlo, ispiritu ng mga susunod na Pasko na magpapakita ng kapalaran ni
Scrooge.
Tampok
sa Scrooge sina Miguel Fautsmann, Chinggoy Alonzo, Raul Montesa, Chino
Veguillas, Cara Barredo, Oliver Usison, Gabo Tionson, Steven Conde, Alex
Cortez, Sheila Francisco, Ariel Carrion at Christine Flores.
‘Haring Lear’ kinatawan ng Pilipinas sa
Kuandu Festival sa Taiwan
Isang
malaking karangalan para Pilipinas na maimbitahan kamakailan para itanghal ang
“Haring Lear” sa Kuandu Festival sa ilalim ng direksyon ni Nonon Padilla,
musika ni Dodjie Fernandez at production design ni Gino Gonzales.
Batay
sa nobela ni William Shakespeare, ang istorya nito ay tungkol sa isang hari na
naging malupit at kung paano niya nadiskubre ang totoong kahulugan mg
pagmamahal at pagiging tapat partikular na ng kanyang anak at mga tagapagsilbi.
Lumipad
sa Taiwan para magtanghal sina Bernardo Bernardo (Haring Lear), Abner Delina Jr
(Cordelia/Lakayo), George De Jesus Iii (Regan), Buddy Caramat (Goneril), Jack
Yabut (Gloster), Juliene Mendoza (Kent), Jay Gonzaga (Edmundo), Myke Salomon
(Edgardo), Renan Bustamante (Duke Ng Albanya), Roi Calilong (Hari Ng Francia),
Jeff Hernandez (Duke Ng Cornualles), Gilbert Onida (Oswaldo), at Jason Barcial
(Duke Ng Burgonia).
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento