Ni
Florenda Corpuz
Kuha mula sa ASEAN-Japan Centre |
Lumahok sa isang libreng exchange
program ang ilang mag-aaral sa elementarya mula sa Japan at ASEAN Member States
na ginanap sa ASEAN-Japan Centre sa Onarimon, Tokyo kamakailan.
Ang exchange program na tinawag
na “ASEAN Kids Summer School” ay may layong makalikha ng pagkakataon para sa
mga mag-aaral na matutuhan at makipagpalitan ng kultura ng ibang bansa.
Ayon kay ASEAN-Japan Centre
Planning and Coordination PR Officer Junko Nukiyama balak nila na muling
magsagawa ng katulad na programa upang patuloy na matuklasan ng mga kabataan
mula Japan at ASEAN ang iba’t ibang aspeto ng kultura ng bawat bansa.
“Although the time has not been
fixed yet, we are planning to hold similar events in the future.”
Nagkaroon ng mga pagtatanghal tulad
ng pagsasayaw ng mga tradisyonal na sayaw ng mga bansa kung saan bumida ang mga
mag-aaral. Ilan sa kanilang mga itinanghal ay ang Wadaiko ng Japan at Indang ng
Indonesia. Nagkaroon din ng workshop sa Tungatong ng Pilipinas na itinuro ng
mga amateur performers. Itinuro rin sa mga mag-aaral ang paggamit ng iba’t
ibang instrumento ng mga bansa pati na rin ang pagsusuot ng mga tradisyonal na
kasuotan. Pinagsaluhan din ang mga masasarap na pagkain tulad ng
ipinagmamalaking rice cake ng Pilipinas na biko.
Umabot sa dalawang daan ang mga
dumalo at nakibahagi sa programa.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento