Kuha ni Din Eugenio |
Maraming
mga Pilipino ang gustong makarating ng Japan at marami rin mga Japanese na nasa
Pilipinas ang nais na makatikim ng orihinal na pagkain na mula mismo sa
kanilang bansa. Ang Little Tokyo ang sagot dito na matatagpuan sa Pasong Tamo
sa Makati City.
Ang
Little Tokyo ay isang maliit na restaurant village kung saan iyong mararamdaman
na para kang nasa Japan dahil sa mga pagkain at dekorasyon sa paligid na nagsasalarawan
sa kultura at sining ng tinaguriang “Land of the Rising Sun.”
Tipong
turista rin ang iyong dating pagpasok mo sa orange gate kung saan nakalagay ang
pangalan ng Little Tokyo dahil maraming Japanese ang pumupunta rito para kumain.
Bubungad sa mga bisita ang zen garden, pulang Japanese lanterns at Japanese
sign boards na aakalain mong nasa Japan ka nga.
Maraming
pagpipilian na restaurants na pagmamay-ari mismo ng mga Japanese at kadalasan
ang mga nagluluto ay Japanese rin.
Isa
mga popular na restaurants na dinarayo sa Little Tokyo ay ang Shinjuku Ramen House
na kilala sa kanilang iba’t ibang klaseng authentic noodles o ramen; Izakaya
Kikufuji na specialty naman ang pagsisilbi ng sariwang sushi at sashimi;
Urameshi-ya na tinatangkilik naman dahil sa kanilang yakiniku; Kagura na ang
paborito ng kanilang mga suki ay ang okonomiyaki; at ang Ha Na na kilala naman
sa kanilang takoyaki.
Dito
rin matatagpuan ang Choto Stop na isang mini-grocery store at snack bar kung
saan makakabili ng iba’t ibang Japanese food products tulad ng soba, nori
paper, bento, at marami pang iba.
Kaya
kung magagawi ka sa bandang Makati ay pumunta sa Little Tokyo kung saan
karamihan ng mga restaurants ay bukas araw-araw mula 10:00 ng umaga hanggang 2:00
ng hapon para sa tanghalian at 5:00 ng hapon hanggang 1:00 ng madaling araw
para sa hapunan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento