Ni
Elvie Okabe, DBA/MAE
Malapit
na naman ang Pasko at Bagong Taon. Handa na ba tayo sa lahat ng aspeto --
spiritually, physically, mentally, psychologically, emotionally, and
financially? Ang pinakahuli sigurong
aspeto na financial ay lagi nating pinaghahandaan kahit gaano man kapos ang ating budget.
Alam
natin na ang mga naunang aspeto na nabanggit ang mas importante sa ating buhay,
ngunit kung kulang din naman ang ating budget ay malungkot din naman tayo.
Kaya’t hayaan ninyong ibahagi ng inyong lingkod ang mga nararapat na gawin
upang sa gayon ay magkaroon tayo ng positive outlook sa buhay na kailangan
natin sa kasipagan at determinasyon upang magawa ang mga sumusunod:
1. Nagawa
o naisipan mo na bang mag-refund ng income tax mo o ng iyong asawa? Ito ay
applicable lamang po sa ating mga nandito sa Japan. Base po sa aking karanasan
at ng ilang kakilala ko na nakapag-refund na ng kanila o ng kanilang asawa ng
kanilang buwis sa loob ng limang taon, malaki po ang tsansang magkapera ng
malaki. Instant additional money, ika nga, one month after applying for income
tax refund at your nearest Tax Office (Zeimusho). That is, after completing all
the requirements or documents, which can be easily obtained in Japan and from
the Philippines.
2. Maglinis
ng cabinet o mag-ayos ng mga gamit sa bahay upang makita o maalala ang mga
gamit na gusto o pwede pang gamitin upang hindi na bumili ng bago. O ‘di kaya
ay sumali sa isang bazaar event at magtinda ng mga gamit (bago man o hindi)
upang magkapera na pandagdag sa anumang dapat bayaran lalo na kung may utang
tayo.
3. Ipagpaliban
ang pagbili ng mga gamit na hindi naman classified under daily
necessities gaya
ng new model ng cellphones, electric appliances, mga collectibles na bags,
shoes, make-up, perfumes, at iba pa. Sa halip ay unahing bayaran ang mga utang
at kung tapos na sa utang ay timpiin ang sarili na huwag na huwag na lang
mangutang ng pera man o gamit para lang makasunod sa uso.
4. Isipin
at ilista ang mga gastusin sa isang buwan at huwag nang gumamit ng mga dating binibili
o binili na kahit wala ay mabubuhay pa rin, gaya ng mga sumusunod:
a. Newspaper
– lalo na subscription sa Japanese newspaper, kung ang asawa natin ay Japanese
dahil kultura na nila ang may dyaryo araw-araw sa bahay. Pakiusapan ang
Japanese spouse na kung maaari ay ihinto na ang newspaper subscription kahit na
siya ang nagbabayad sapagkat pandagdag din ang Y3,500/month para sa mas
mahalagang kailangan gaya ng pambili ng bigas at ulam;
b. Mga
bisyo gaya ng sugal o ‘pachinko’ or slot machine, alak o wine, sigarilyo, and
the worst, paggamit ng droga at pangangaliwa sa asawa (bato-bato sa langit ,
ang tamaan ay huwag pong magagalit);
c. Mga
luho sa katawan at gamit sa bahay gaya ng mamahaling gamit, pagkain ng sobra at
mamantika o bawal sa katawan na kailanganin pa nating bumili ng mga pampapayat
na pagkain, food supplement, mag-reduce o mag-exercise sa fitness gym, o ang pinakamasaklap
ay ma-ospital tayo dahil sa mga sakit na diabetes, heart ailment, cancer, at
iba pa;
d. Tipirin
ang tubig at kuryente gaya ng pag-unplug ng socket ng ating mga electrical
appliances kung hindi ginagamit o bago umalis ng bahay. Ito ay dahil kahit nakasarado
ang isang appliance ngunit nakasaksak ang plug ay nakakakonsumo pa rin ng kuryente
ang nakaabang na electric current sa nakasaksak na plug ng appliance. Gumamit
ng led light dahil mas mababa ang watts/mas mababa ang konsumo ng kuryente
kumpara sa mga fluorescent lamps, o mag-research/magbasa pa ng ibang mga tips
sa Internet tungkol sa pagtitipid ng kuryente.
5. Kung
isa kang empleyado, matutong magkaroon din ng sariling negosyo, maliit man o
malaki, sapagkat mas mabuti kung may isa pa tayong source of income kahit hindi
full-time. Isipin ang iyong talent o skill na maaaring gamitin sa pagnenegosyo,
tanungin ang sarili kung ang gustong negosyo na pwedeng pagkakitaan at
makakatulong sa sarili at sa kapwa.
Kung pinansiyal
na aspeto din lang ang pag-uusapan, kung paano masolusyonan ang mga problema sa
buhay, at paano magkaroon ng sariling negosyo sa abot kayang halaga, maaari po
kayong tumawag sa amin sa 08050089888 at sumangguni ng libre.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento