Martes, Mayo 28, 2013

Bernard Palad and his love for singing

Ni Enrique Gonzaga

Bernard Palad
Simula pa noong dekada 70’s ay hindi na matatawaran ang galing ng mga Pilipino sa larangan ng pagtatanghal. Nagdagsaan ang mga Filipino entertainers sa Japan bilang mga cultural performers na katutubong sayaw at kanta ang itinatanghal noon.

Naging normal na proseso na para sa mga Pinoy singers noong panahong iyon na dumaan sa audition sa pamamagitan ng pagkanta ng mga awitin gaya ng enka ng Japan, pop, disco at original songs na isinulat ng kapwa Pinoy. Ngayon, simula noong 2000, ay naiba na ang sistema at hindi na naging madali ang pagkuha ng visa ng mga gustong maging entertainers.

Malaking porsiyento ng mga Pilipinong entertainers na pinalad na manatili sa Japan ay dahil nakapag-asawa ang mga ito ng Japanese o nakakuha ng tamang lisensiya para manatili sa Japan bilang isang legal na empleyado. 

Subalit, magpabago-bago man ang sistema sa Japan hinggil sa pagtanggap ng Filipino entertainers ay hindi mawawala ang pagkahilig ng mga ito sa pag-awit at pagtatanghal.

Isa na rito si Bernard Pacayo Palad na tubong Bulacan. Dati siyang singer sa Aomori City na nakapag-asawa ng isang Haponesa at nakabuo ng pamilya sa Japan. Bata palang si Bernard ay hilig na niya ang kumanta ng ballad at pop songs kaya’t sumali siya sa Church Kids Choir member.

Madalas na kumakanta at sumasayaw si Bernard sa harap ng kaniyang mga magulang at kapatid lalo na tuwing may okasyon kaya ito ang naging inspirasyon niya upang subukan na maging professional singer.

Halos lahat ng kilalang mang-aawit ay kaniyang pinapanood at hinahangaan na nagsilbi rin inspirasyon upang makahanap siya ng sarili niyang style sa pag-awit.

“Mas maganda iyong gumawa ng sariling style para maging katangi-tangi at makilala ka bilang ikaw,” ani Bernard sa panayam sa kanya ng Pinoy Gazette.

Ilan sa mga napanalunan ni Bernard sa pagsali niya sa ilang singing contests tulad ng pagkuha ng first place sa Gospel Pop 2007 at second place naman sa 2009 Utawit Contest na sa Japan ginawa. Nitong 2010 ay naging kinatawan si Bernard ng Osaka para sa Global Pinoy Idol.

Dahil pamilyado nang tao si Bernard, palagi niyang sinasabi na lahat ng ito ay para sa kanyang pamilya, asawa at dalawang mga anak na babae na nagbibigay ng walang katapusang inspirasyon sa kaniya para lalong galingan ang pag-awit.

Nag-umpisang makilala si Bernard sa local television noong kumanta siya sa isang church concert sa Aomori kung saan napanood siya ng ilang opisyal ng Aomori Television. Nakatanggap ng tawag si Bernard para sa isang interview na dapat sana ay 30 minutos lamang ngunit humaba sa tatlong oras dahil nakagiliwan siya ng pamunuan.

Naimbitahan na siya sa mga sari-saring programa sa telebisyon sa Aomori kagaya ng isang cooking show kung saan nagluto siya ng sinigang na baboy at habang hinihintay na maluto ang pagkain ay pinakanta siya.

Tuwing katapusan ng buwan ng Agosto taun-taon ay mayroong Nijuyon Jikan Telebi (24 hours Television) na ipinapalabas ng Nihon Telebi o NTV at si Bernard ay nabigyan ng pagkakataon makasama rito noong 2010.

Kamakailan lamang tinawagan siya ng BS2 para sumali sa “Nodo Jiman” sa Channel 4 at naipalabas ito kamakailan. Kinanta niya ang “Hitome wo tojite” ni Hirai Ken kasama ang ilang Japanese singers.

“Ang panaginip ko na magkaroon ng sariling recording ay matutupad na sa katapusan ng taong ito sa release ng aking single cut,” tuwang-tuwang pahayag ni Bernard.

“Galingan ang pagkanta at ‘wag tumigil sa kakasali sa mga prestihiyosong mga contest dahil ito ang paraan para kuminang bilang isang mang-aawit. Palaging ibigay ng buong-buo ang sarili pag nagtatanghal  na sa itaas ng entablado at ‘wag kalimutang hasain pa ng mabuti ang iba pang kakayanan na ibinigay sayo,” payo ni Bernard sa kapwa Pinoy singers.

Hindi man madaling pasukin ang music industru sa Japan ay hindi nawawalan ng pag-asa si Bernard na baling araw ay maaaring magkaroon din siya ng pagkakataon.

“Magiging isang malaking karangalan at pagkakataon para sa akin at sa pamilya ko rito sa Japan at sa Pilipinas ang makasali sa kahit anong tanyag na paligsahan o kaganapan kung saan makikita ng lahat ang aking kakayahan,” pagtatapos ni Bernard.

Zendee Rose: ‘Random Girl’ no more

Ni Len Armea 



Unti-unti na ngang nakakagawa ng pangalan si Zendee Rose Tenerefe matapos na madiskubre sa YouTube noong nakaraang taon. Matatandaang binansagang ‘Random Girl’ si Zendee matapos itong kumanta ng “And I Am Telling You” ni Jennifer Holiday sa isang mall sa Maynila at nakuhaan siya ng isang  blogger at ipinost ang video ng dalaga sa YouTube.

Naging viral ang nasabing video kung saan umabot sa dalawang milyon ang hits at humigit-kumulang sa 5,000 ang napaskil na komento. Ito ang naging daan ni Zendee upang mapansin siya ng media outfits, music fans at ng kanyang music label, Warner Music Philippines.

Matapos ang dinanas na rejections sa mga reality talent shows gaya ng X-Factor Philippines, Pinoy Dream Academy Season 3 at Pilipinas Got Talent Season 4, ngayon ay naglabas na ng kauna-unahang album si Zendee.

Hindi maipinta ang kasiyahan ng 21-taong-gulang na dalaga sa press launch ng kanyang album na pinamagatang “I Believe” dahil sa wakas umano ay natupad niya ang isang pangarap na akala niya noon ay hindi niya makakamit.

“Bata pa lang po kasi ako gustong-gusto ko ng kumanta kaya sobrang pasasalamat ko po sa Warner at sa mga tagasuporta ko dahil nagkatotoo na po ang pangarap ko, may album na ako,” pahayag ni Zendee sa press launch na ginanap sa Chef and Brewer CafĂ© sa Ortigas, Pasig City kamakailan.

Naglalaman ng siyam na kanta ang album ni Zendee kung saan anim sa mga ito ay pawang orihinal. Ang mga kantang ito ay ang “Runaway,” “The Ones You Love,” “I Believe,” “Completely,” at “If You Want.” Ang tatlong cover songs naman ay ang “Go The Distance,” “Love Takes Time,” at “Hallelujah” na mismong si Zendee ang nagkusa na isama ito sa kanyang album.

Bukod sa kabi-kabilang TV guestings na kanyang nilalabasan kabilang na ang The Ellen Degeneres Show sa Estados Unidos, isa sa ipinagpasalamat ni Zendee ay ng maging front act siya sa concert ng pamosong international singer na si Jason Mraz na ginanap sa Smart-Araneta Coliseum kamakailan.

“Napanood po kasi ako ni Jason Mraz noong mag-guest po ako sa The Ellen Degeneres Show at nagalingan po siya sa talent ko kaya po ako iyong pinili niya na mag-front act sa concert niya.”

Sa daming pinagdaanang hirap ni Zendee ay hindi niya ito ininda dahil nagbunga naman umano ang lahat ng kanyang paghihirap. Ani Zendee, nabigyan siya ng pagkakataon na magkaroon ng puwang sa industriya ng pag-awit kaya’t hindi niya sasayangin ang pagkakataong dumating sa kanya.

Lunes, Mayo 27, 2013

Filcom Chorale, ipinamalas ang galing sa concert


FilCom Chorale
Kaisa sa pangarap ng mga Pilipino sa Japan na ipakilala at ibahagi ang mayamang kultura ng Pilipinas upang magkaroon ang mga Japanese ng kamalayan lalo na sa mga awiting Pilipino, ang Filcom Chorale ay nagtanghal sa isang charity concert na pinamagatang “Kay Ganda ng Ating Musika: Isang Pagbabalik Tanaw” kamakailan sa Theater 1010, Tokyo. 

Itinampok sa concert ang mga klasikong awiting Pilipino upang muling buhayin ang pagmamahal at pagpapahalaga sa kagandahan ng musikang Pilipino.  Ang nalikom sa konsiyerto ay nakalaan sa medical missions sa Pilipinas para sa mga batang may bingot (cleftlip).  Ang pagtatanghal at pagtulong na ito ay nagbigay katuparan sa mission and vision ng Filcom Chorale  na “Amare et Servire” na ang ibig sabihin ay “to love and serve the Lord.”

Nagpamalas ang Filcom Chorale ng world class performance  sa harap ng mahigit na 400 na piling mga bisita kabilang si Ambassador Manuel Lopez, mga opisyales at kawani ng Embahada, Department of Tourism at European Union, ilang Japanese guests at mga kababayang Pilipino sa Tokyo at karatig-lugar.  Binuksan ang concert sa pagkanta ng “Maalaala Mo Kaya” habang binigyang buhay ng awiting “Sa Libis ng Nayon” ang disenyo ng entablado.

Kasama sa repertoire ang iba't ibang folk songs gaya ng “Paru-parong Bukid,” “Kalesa,” “Katakataka,” at mga regional songs tulad ng “Usahay,” “Dandansoy” at “Pobreng Alindahaw.” Isa sa masayang bahagi ng palabas ay ang “harana” na binigyang buhay ng mga awiting “Sarung Banggi,” “Manang Biday” at “O, Ilaw.”

Hindi rin pahuhuli ang Filcom Chorale sa pagkanta ng kundiman na kinabibilangan ng  “Saan Ka Man Naroroon,” “Dahil Sa ‘Yo,” “Minamahal Kita,” “Ikaw ang Mahal Ko” at “Lahat ng Araw.”  Huling inawit naman ang “Diyos Lamang ang Nakakaalam,” na isang awitin tungkol sa kahalagahan ng buhay.

Ipinakita sa konsiyerto ang tunay na katangian ng mga Pilipino na pagiging  mapagmahal, malikhain at makabayan sa pamamagitan ng mga awiting tatak Pinoy.

Lubos na nagpapasalamat ang Filcom Chorale sa lahat ng tumulong at nakibahagi upang maisakatuparan ang pangarap na konsiyerto. 

Senator Angara, pinarangalan ni Emperor Akihito


Senador Angara at Ambassador Lopez

Dahil sa kanyang malaking kontribusyon sa pagpapatibay ng relasyon ng Pilipinas at Japan, pinarangalan si Senador Edgardo Angara ng Grand Cordon of the Order of the Rising Sun ni Emperor Akihito sa Imperial Palace, Tokyo kamakailan lamang.

Bukod sa parangal na ito, mismong si Japanese Prime Minister Shinzo Abe ang nagbigay din ng certificate na kasama ng naturang award. Labis na ipinagpasalamat ni Angara na personal na pumunta sa Japan para tanggapin ang naturang parangal.

“I am deeply humbled by this recognition from the government of Japan. This honor is a testament to Japan’s abiding interest in the enhancement of their ties with the Philippines. I am resolved to continue my own long-standing advocacy of further strengthening the bonds of friendship and cooperation between our peoples,” pahayag ni Angara pagkatapos ng awarding rites.

Matatandaan na noong 1988 ay itinatag ni Angara ang Philippine-Japan Parliamentarians Association (PJPA) kung saan siya rin ang tumayong pangulo. Pinangunahan din niya ang kauna-unahang PJPA delegation na bumisita sa Japan para makipagpulong sa ilang miyembro ng National Diet at iba pang opisyales.

Isa rin si Angara sa sumuporta sa Philippines-Japan Economic Partnership Agreement (PJEPA) na naipasa sa Senado noong 2008.

Ibinibigay ang Order of the Rising Sun sa mga indibiduwal na nagkaroon ng malaking kontribusyon sa international relations, pagtataguyod sa kulturang Hapon, pangangalaga sa kalikasan, at pagsulong sa mga programang nakakapagpaunlad ng lipunan.

Ilan sa mga nabigyan na ng Order of the Rising Sun, na binuo noong Abril 1875, ay sila Singaporean Prime Minister Lee Kuan Yew, dating UNICEF executive director Carol Bellamy, dating Brookings Institution president Michael Armacost, dating Foreign Affairs secretary at UNGA president Carlos P. Romulo at dating Ambassador to Japan Alfonso Yuchengco.

Biyernes, Mayo 10, 2013

Sarah at John Lloyd panalo uli sa “It Takes a Man and a Woman”

Ni Mario Bautista


EVERYONE predicted that “It Takes a Man and a Woman”, the third installment in the love story of John Lloyd Cruz and Sarah Geronimo as Miggy and Laida, would be a hit. But even Star Cinema was surprised at how strong it is at the tills, earning P300-M on its second week and still counting.


Just like its predecessors, “A Very Special Love” (2008) and “You Changed My Life” (2009), the third movie is engineered to be a real crowd pleaser. It doesn’t begin where the last one ended.


Miggy and Laida have broken up after Laida saw Miggy kissing his past girlfriend, Belle (Isabelle Daza). She went to New York and works with a top publishing company. The business empire of Miggy’s family, the Montenegro, is having problems. He made a lot of wrong decisions and has been demoted. He’s tasked to save their publishing company by getting the franchise for a prestigious magazine and Laida is requested to return home to help him in this project.


Working with an ex proves to be difficult for both Miggy and Laida, even if Laida insists she has moved on. It’s obvious she’s still very much affected when she sees Miggy being sweet with Belle. The result is plenty of comic scenes between the former lovers.


In the end, we all know they’ll surely still get back into each other’s arms and we’ll get the obligatory happy ending, but Direk Cathy Garcia-Molina and her writers manage to make their journey together quite engaging to watch. They succeed to make even some of the obvious plot contrivances quite easy to swallow, like the two lovers ending up sleeping together in Laida’s very small room in New York and things conspiring for them to go sightseeing around Manhattan like they originally planned when they were still on.


Between the two, it’s Laida who has grown while they were away from each other. She became an independent spirit while working in the Big Apple and has returned to Manila speaking English with a palpable twang. To help them get the magazine’s franchise, it’s decided to feature her personal story with metamorphosis or transformation as the theme.


At the core of the film is the value of learning how to forgive. It’s not only Miggy who went astray here but also Laida’s dad, Al Tantay. But where as her mom, Irma Adlawan, has quickly forgiven her dad’s infidelity, Laida finds it difficult to move on and discard her emotional baggage and feelings of being betrayed.


One touching scene in the film shows her asking her mom: “How do you forgive?” But the movie doesn’t wallow in sentimentality, what with Sarah being truly more adept in doing comic scenes. It quickly shakes off such moments of drama, with the over to the max “kilig” climax, where Miggy officially proposes to Laida, designed to be a true musical show-stopper. At the airport, Laida sees all the people around her, from porters and security guards to janitors and customs and immigration personnel singing Miggy’s song to her, “Kailan.”


Of course, it all works because of the winning screen personas of the lead. JLC is the only actor today we know who can do a “hagulgol” scene on screen without appearing awkward. He also might not be a real singer but he can still charm the viewers if he could barely carry a tune. Coco Martin tried doing something like this in “A Moment in Time” but the scene falls flat. What he needs is JLC’s effortless charisma.


It’s really amazing that JLC is more identified with Bea Alonzo as his original ka-love team but the public has truly embraced his tandem with Sarah more intensely, making his films with Sarah bigger blockbusters than the ones he did with Bea, that are, in all fairness to them, also true box-office bonanzas, like “The Mistress.” Sarah’s basically jologs screen image must really be that appealing and endearing to countless viewers, especially in the end where the bloopers are shown and she just kept on giggling.


They get excellent support from Isabelle Daza as Belle, Al and Irma as Sarah’s parents, plus Matet de Leon, Joross Gamboa and Gio Alvarez as their personal cheering squad.


It’s said this will be the last edition in the Miggy-Laida trilogy but, judging from the public’s very warm response to “It Takes a Man and a Woman”, we won’t be surprised if there’d be another sequel.



The film ends with their wedding and Laida is about to go back to New York to resume her work there. Miggy says he’s willing to join her and be a househusband. So we won’t be surprised if the next installment would show “Miggy and Laida sa Amerika.”

Linggo, Mayo 5, 2013

WBC World Youth belt nakopo ng Pinoy boxer

Ni Enrique Toto Gonzaga 


Napuno ang Kurakoen Hall sa Suidobashi, Tokyo dahil sa laban ng dalawang Pilipinong boksingero  na sina Joe “The Machine” Maxian at Raymond Sermona para sa WBC World Youth Lightweight Division kamakailan. 

Parehong galing ang dalawa sa Elorde Gym Philippines na lumaban sa mga Hapon para makamit ang titulo.

Tampok sa laban nito ang pag-agaw ng WBC World Youth Lightweight Championship belt ni Maxian, tubong Capiz, Panay Island, sa kalabang Hapon na si Saito Tsukasa.


Isang malakas na suntok ang binitawan ni Maxian sa ikapitong round ng kanilang sagupaan na nagpatumba kay Tsukasa. Hindi makapaniwala ang mga Hapon ngunit kinilala pa rin nila ang galing ni Maxian sa pamamagitan ng pagsabi ng "Sugui Umai." Ang ibig sabihin  nito ay mataas ang tingin ng mga Hapon sa kaniya gawa ng kaniyang pagkapanalo.

“Nagpapasalamat po ako una sa lahat sa Panginoon sa ibinigay niyang tagumpay sa akin, sa lahat ng mga Pilipino sa Japan na sumuporta at higit sa lahat sa aking manager at sa Elorde Gymnasium na nagbigay sa akin ng oportunidad para makalaban dito sa Japan bilang kinatawan ng Pilipinas,” ani Maxian.

Draw naman ang resulta ng naging laban ni Sermona kay Yutai Nagai para sa Semi-feather Lightweight Division. Umabot sa walong rounds ang laban kung saan nagpakita ng lakas at matinding depensa si Sermona.


Si Sermona ay laking Bacolod City, Negros Occidental at nag-eensayo siya sa Elorde Gym sa Paranaque City bago siya ipinadala sa Japan para lumaban.

Huwebes, Mayo 2, 2013

Sandwich celebrates 15th year via Fat, Salt & Flame album

Ni Len Armea
Sandwich album launch
Marami ang nagsusulputang banda sa Philippine music scene ngunit hindi lahat ay nananatiling buo pagkalipas ng ilang taon. Dahil sa paglikha ng mga kanta na talagang patok na patok sa publiko at sa magandang samahan ng grupo, hindi pa rin natitinag ang Sandwich na isa sa mga hinahangaang banda ngayon.

Naglabas ang Sandwich, na binubuo nila Raymund Marasigan (vocals, guitar), Myrene Academia (bass, backing vocals), Diego Castillo (guitar, backing vocals), Mong Alcaraz (guitar, backing vocals) at Mike Dizon (drums), ng kanilang ikapitong album na pinamagatang “Fat, Salt & Flame.”

Wala nang maisip pa ang banda na mas magandang paraan na ipakita ang kanilang lubos na pasasalamat sa kanilang music fans sa pagtangkilik ng mga ito sa loob ng 15 taon kundi ang maglabas ng bagong album.

Kakaiba at espesyal ang Fat, Salt & Flame album, na ni-release ng Polyeast Records, dahil pangarap nila ang magkaroon ng live album at masaya ang grupo na natupad nila ito ngayon. Bukod sa live recording, mayroon din duet sina Myrene at Mong, ang New Romancer, at mayroon din guitar solo si Tirso Ripol ng Razorback.

“We always wanted to record live because I think we are a pretty good live band, but we usually record multi-track.

“We made and rehearsed [about] 25 to 30 songs, play them all live and selected the songs that we liked which are not necessarily the best songs and then we recorded the main tracks, all five of us, live in the same studio.

“It’s very technical but we keep on recording  it until it [felt] right, and for us we know that it felt right kapag kumulot na 'yung aming toes,” pahayag ni Raimund na dating bahagi ng legendary rock band na Eraserheads.

Naglalaman ng siyam na kanta ang album na kinabibilangan ng “Fat, Salt and Flame,” “Back For More,” “Sleepwalker,” “Pray For Today,” “The Week After,” “Mayday,” “Kidlat,” “New Romancer,” at “Manhid.”

“Iyong recording process namin mayroon iyong naka-shades kami kasi parang ganoon iyong  feel ng kanta kahit gabi iyon ha. Or parang gusto ko mag-jacket kahit tanghaling tapat, mayroong times na kailangang patayin iyong aircon, iyong ilaw, para tama iyong vibes,” ani Mong.

Dagdag pa ni Mike, “Ang mindset namin for this album  is that we have to do something that we will be proud of 10 years from now or more; that when we look back we wouldn’t say na ang baduy naman ng kantang ginawa namin.”

Sa loob ng 15 taon ay marami nang napagdaanan ang limang miyembro ng banda ngunit magkagayunman ay mas nanaig sa kanila ang patuloy na paggawa ng musika. At kung mayroon man silang natutuhan sa mga nagdaang taon, ito ay ang pagmamahal sa mga taong nakapaligid sa kanila.

“You have to take care of your group. In all our band that’s the major thing dapat, that you have to take care of the people also and you would have to have enough love to take a bullet for them no matter what, parang pamilya mo na ito eh, kasama mo on the road, same van, same hotel, same airport. If you hate them it won’t work,” pahayag ni Raymund.

“You also have to follow your guts, you must have passion for what you do and you work hard. Kailangan nandoon iyon pareho,” sagot naman ni Myrene.

“And part of working hard is knowing priorities,” pagtatapos ni Raymund.

Miyerkules, Mayo 1, 2013

Danny Dungo: Through the Lens

Ni Enrique  Gonzaga

Filipino photographer Danny Dungo
Usong-uso ngayon ang pagkuha ng litrato bilang isang paraan ng pagkakakitaan o bilang isang libangan. Sa dami ng mga nagpapakilalang photographers sa iba’t ibang larangan, mayroon at mayroon pa rin mangingibabaw sa lahat.

Isa na rito si Danny Lapina Dungo na tubong San Pablo, Laguna at kasalukuyang naninirahan sa Japan. Sabi nga, ang pagiging isang magaling na litratista ay hindi nangyayari ng isang araw kundi matagal na panahon nang paglilinang ng talento at abilidad.

Nagsimula si Danny na magkaroon ng interes sa photography noong 1980's kung saan film pa ang ginagamit sa mga camera at “black and white” ang isa sa mga pangunahing uri ng pagkuha ng litrato.

Lalong nabuhay ang interes ni Danny sa pagiging litratista sa pagpasok ng bagong teknolohiya at ang paggamit ng DSLR camera at iba’t ibang klase ng lente. “Landscape photography” ang tinutukan ni Danny kung saan ang kalikasan ang pangunahing tema ng kanyang mga litrato.
Para kay Danny, ang pagkuha ng litrato ng kalikasan ay pagbibigay ng halaga at paraan ng pagpapakita sa kamangha-manghang likha ng Diyos na siyang nakapaligid sa buong mundo.

Black and white ang naging pundasyon ni Danny sa kanyang mga obra bilang isang litratista dahil para sa kanya ito ay nakakadagdag ng drama at damdamin sa mga litrato.

“Ang pagpapakita ng damdamin sa isang litrato ay hinuhugot sa masining na pagdama ng isang tao sa paggamit ng tamang komposisyon at paglalaro sa kulay o sa kaso naman ng “black and white photography” ang pagtamo ng matingkad na epekto nito,” ani Danny.

Ang nanalong photo entry ni Danny noong 2012.
Sa pagdaan ng panahon ay hinasa ni Danny ang sarili sa pagkuha ng magagandang litrato sa pamamagitan ng pag-alam sa iba’t ibang techniques. Nagbunga naman ito dahil noong isang taon ay nanalo ang kanyang litrato na ang subject ay mga kawayan na kanyang inilahok sa isang paligsahan sa paggunita ng “Araw ng Kalayaan."

Kamakailan lamang ay napag-alaman ni Danny mula sa My Japan Project na malaki ang naitulong ng kaniyang mga litrato para makapag-ipon ng pera ang organisasyon at makapagbigay ng tulong sa Japan Emergency Network. Napasama rin ang ilang litrato ni Danny sa isang libro na nakatakdang ilabas sa darating na Nobyembre at dahil dito ay napansin ang mga gawa ng Pinoy photographer ng NHK Japan.

Iniisip ni Danny na ang pinakamahalagang bagay para sa isang lensman ay ang mabuo ang sariling antig sa sining na nasa loob ng kaniyang pagkatao at kung paano ito mapabuti para maging epektibo sa mga tao. Naniniwala si Danny na ang photography ay isang sining kung saan ipinagsasama ang kulay, damdamin at mahalagang sandali upang gumawa ng panghabambuhay na dokumentasyon na maaaring hindi na mangyari ulit.

Ito rin ang isa sa mga dahilan kung kaya isinusulong niya ang wedding photography sa kasalukuyan. Sa katunayan, sa buwan ng Hunyo ay isang kasalan ang kukunan ni Danny sa Marilag, Tagaytay.

Si Danny ay isang freelance photographer na nakapaglathala ng kaniyang mga litrato sa Digital Photographer Philippines (DPP), Photographer England, Essential Photography England, Lonely Planet at Mabuhay Magazine, isang in-flight magazine ng Philippine Airlines.