Ni
Florenda Corpuz
Inaasahang magiging makulay at
puno ng kantahan, sayawan at kasiyahan ang pagdiriwang ng Filipino community sa
Japan sa ika-116 na Philippine Independence Day ng Pilipinas mula sa
pananakop ng mga Kastila.
Sa pangunguna ng Embahada ng
Pilipinas sa Tokyo at sa pakikipagtulungan ng Philippine Assistance Group o
PAG, nakatakdang magtatanghal ng isang thanksgiving concert na pinamagatang “Damo
Nga Salamat,” ang wika ng pasasalamat sa diyalekto ng mga taga-Tacloban, na
gaganapin sa Sun Pearl Arakawa (Arakawa Kumin Kaikan) sa darating na Hunyo 14,
3:00 hanggang 6:00 ng hapon.
Ilan sa mga magtatanghal sa libreng
konsiyerto ay ang Beatles-inspired band mula Tacloban City na REO Brothers, mga
local Filipino artists sa Japan tulad ng magaling na jazz singer na si Charito,
dating AKB48 member na si Sayaka Akimoto, FilCom Chorale at maraming pang iba.
Ang thanksgiving concert ay itatanghal
upang gunitain ang Araw ng Kalayaan ng Pilipinas at bilang pasasalamat na rin sa
mga Pilipino sa Japan na tumulong sa mga biktima ng bagyong Yolanda sa Tacloban
City at iba pang lugar sa kabisayaan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento