Martes, Marso 29, 2016

Japanese firm panalo sa bidding ng E-Trike project sa Pilipinas

Ni Florenda Corpuz

Kuha mula sa Bemac Electric Transportation Philippines, Inc.

Kinumpirma ng Uzushio Electric na sila ang nanalo sa bidding ng 3,000 units ng E-Trike sa Pilipinas para palitan ang tradisyonal na tricycle at madagdagan ang kita ng mga drayber at mabawasan ang polusyon sa bansa.

Ayon sa pahayag ng Uzushio Electric na naka-base sa Imabari City, Ehime Prefecture, natanggap nila ang abiso na nagsasabi na sila ang nanalong bidder para sa E-Trike Project ng Department of Energy (DOE) at Asian Development Bank (ADB) sa contract price na $30,747,000.

“Bidding guidelines for the 3,000 E-Trike Plan were announced in February, 2015 and we participated in the bid that was carried out in May. Four other companies also participated in the bid, which was followed by a technical review and we were the only company that reached the opening of the bidding price which was conducted in August. As a result, we obtained negotiating rights and further negotiated price with the DOE and the ADB and then received official notification of our successful bid,” saad ng Japanese firm.

Inaasahang matatapos ang 1,200 units sa susunod na tatlong buwan habang ang natitirang 1,800 units ay maaaring matapos hanggang Agosto. Nakatakdang i-deliver ang mga ito ng Bemac Electric Transportation Philippines, Inc., ang subsidiary ng Uzushio na may operasyon sa Pilipinas, ngayong taon.

Dadalhin ang mga E-Trikes sa mga local government units (LGUs) at gagamitin ng mga drayber sa pamamagitan ng lease to own arrangements kung saan araw-araw silang magbabayad ng boundary sa mga LGUs.

Plano rin ng DOE na palitan ang 17,000 tricycles ng E-Trikes sa mga susunod na taon.

Ang Uzushio Electric ang nangungunang large ship outfitter sa Japan na gumagawa ng electric at communications equipment.


Sa kasalukuyan ay may mahigit sa 3.5 milyong tricycle ang pumapasada sa Pilipinas na isa sa pangunahing dahilan ng polusyon sa bansa. Dahil dito, inanunsyo ng pamahalaan ang isang proyekto kung saan papalitan ng 100,000 E-Trikes ang mga tradisyonal na tricycle sa bansa para mapabuti ang kapaligiran. 

Bagong teleserye nina Elmo at Janella kinunan sa Japan

Janella Salvador and Elmo Magalona

Lumipad kamakailan sa Japan ang bagong bini-build up na loveteam ng ABS-CBN na sina Janella Salvador at dating Kapuso star na si Elmo Magalona para sa kanilang bagong teleserye na may pamagat na “Born For You.”

Hango ang istorya sa paniniwala ng mga Japanese na mayroong nagkokonekta na invisible red line sa dalawang taong itinadhana para sa isa’t isa. Maraming eksena ang kinunan sa ilang magagandng lugar sa Tokyo kasama ang ilang co-stars na kinabibilangan nina Vina Morales, Ayen Munji-Laurel, Ogie Diaz at Joj Agpangan.

Kahit na bago pa lamang ang tambalan nina Elmo at Janella o “ElNella” sa kanilang mga fans ay makikitaan na ng chemistry ang dalawa at tila nagkakalapit na rin ang kanilang loob. Parehong anak ng singers ang dalawa kaya’t nagkakasundo ang dalawa.

Si Elmo ay anak ng yumaong rapper na si Francis Magalona habang si Janella naman ay anak nina “Miss Saigon” star na si Jenine Desiderio at singer Juan Miguel Salvador. Aminado si Elmo na excited siya na makatrabaho ang dalaga.

“It’s cool that we come from a family of musicians. Janella is bubbly, very easy to work with, and very energetic that’s why I am really excited to work with her,” saad ng batang Magalona.

“When I saw Elmo, I felt good because I will get to work with someone fresh since we haven’t worked before. I’m excited with the music angle in our teleserye because both our parents are musical people,” dagdag naman ni Janella.


Produced ng Dreamscape Productions ang Born For You na nasa likod din ng ilang popular na teleserye ng ABS-CBN gaya ng “On the Wings of Love,” “FPJ’s Ang Probinsiyano,” “Doble Kara” at “And I Love You So.”

Rachelle Ann Go, bumida sa unang pagtatanghal ng ‘Les Miserables’ sa Pilipinas

 
Rachelle Ann Go bilang Fantine
Ikinatuwa ng maraming mga Pinoy nang mabalita ang opisyal na pagkakapili kay Rachelle Ann Go bilang bagong bida sa pinakabagong West End production ng “Les Misérables” mula kay Cameron Mackintosh at Boublil & Schönberg at base sa French historical novel ni Victor Hugo na itinuturing na isa sa greatest novels ng 19th century.

Nangyari ito pagkatapos ng matagumpay na pagganap at pagkilala kay Rachelle Ann bilang ang bar dancer na si Gigi Van Tranh sa ika-25 anibersaryong edisyon ng “Miss Saigon” sa West End stage sa London noong 2014 hanggang 2015. 

At ngayon, kagaya nina Lea Salonga, Joanna Ampil, Jon Jon Briones at Jose Llana, kabilang na  si Rachelle Ann sa mga bagong hinahangaan ngayon sa ibang bansa pagdating sa likas na galing sa pagkanta, pag-arte at pagsayaw sa mundo ng international musical theatre. Nag-debut si Rachelle Ann bilang Fantine sa West End stage nitong Hunyo 2015.

Ang Les Misérables in Manila ang kauna-unahang pagkakataon na itatanghal ito sa bansa bilang bahagi ng Asia tour ng produksyon. Kaya’t higit na espesyal ang pagkakataong ito dahil mapapanood din sa unang pagkakataon ng mga Pinoy si Rachelle sa pagganap niya sa iconic role na si Fantine.

Hindi naman maitago ni Rachelle Ann ang galak na makapagtanghal para sa mga kababayan. Aniya, magandang pagkakataon ito para maipakita ni Rachelle Ann kung ako ang mga pinagkakaabalahan niya nitong nagdaang mga buwan.

Maging ang mga cast members na sina Simon Gleeson (Jean Valjean), Earl Carpenter (Inspector Javert), Kerrie Anne Greeland (Eponine) at Chris Durling (Enjolras) ay excited na magtanghal sa isang bansa na may kultura ng matinding pagmamahal sa pagkanta.

Ikinatuwa rin ni Cameron Mackintosh ang ideya ng pagdadala sa Les Mis sa Maynila. Aniya, pagkatapos ng magandang takbo ng musical sa Melbourne, Perth at Sydney ay napapanahon ang pagkakataong mapanood ang musical sa Maynila bilang pagbibigay-pugay din sa magandang samahan ni Mackintosh sa mga magagaling na Filipino theatre talents.

Tampok sa Les Mis ang kwento ni Jean Valjean, isang ex-convict noong 19th century France na nakulong ng 19 na taon dahil sa pagnanakaw ng tinapay at ilang beses na nagtangkang tumakas. Dahil sa tulong ng isang obispo, nagdesisyon siya na magbagong-buhay hanggang sa naging alkade ng isang bayan sa France at may-ari ng isang pabrika. At isa sa mga trabahador niya ang single mother na si Fantine na napilitang pasukin ang prostitusyon para sa anak na si Cosette.

Ilan lamang ang mga makasaysayang kanta na “I Dreamed a Dream,” “On My Own,” “Bring Him Home,” “One Day More,” “A Heart Full of Love” at “Do You Hear the People Sing?” ang kabilang sa repertoire ng produksyon na naging tatak na ng Les Mis.

Binuksan ang performances mula Marso 11 at naganap naman ang gala night noong Marso 16. May pagkakataon pa ang mga Pinoy na mapanood ang tinaguriang ‘one of the greatest musicals of all time’ sa The Theatre sa Solaire Resort, Parañaque City hanggang Abril 3.

‘Richard Marx Live in Manila’ delights fans with favorite 80s and 90s hits

Ni Jovelyn Javier


Muling nagtanghal ang isa sa pinaka-successful, most enduring musician at Grammy-winning American singer-songwriter-producer na si Richard Marx sa mga masugid na Pinoy fans para sa second leg ng “Richard Marx: The Solo Tour Live in Manila” na ginanap kamakailan sa Kia Theatre sa Cubao, Quezon City.

Bago dumating sa bansa, hinarana muna ni Marx ang mga Malaysians sa kanyang well-received show sa Kuala Lumpur. Huling nagtanghal si Marx sa bansa noong 2011 sa Araneta Coliseum. Nagpa-unlak din ang singer-songwriter ng isang guest appearance sa “Tonight with Boy Abunda” sa ABS-CBN isang araw bago ang concert.

Timeless hits

Kapag nabanggit ang pangalang Richard Marx, kahit sino ay maiisip agad ang kanyang mga timeless hits mula sa kanyang halos tatlong dekadang karera sa musika gaya ng “Now and Forever,” “Right Here Waiting,” “Hold On to the Night,” “Should Have Known Better,” “Don’t Mean Nothing” at marami pang iba. Ito iyong mga klase ng mga kantang hinding-hindi malilimutan kahit gaano pa magbago ang panahon. Walang araw na dadaan na hindi natin mapapakinggan ang isa sa mga ito sa radyo na mga paborito rin ng mga disc jockeys na patugtugin.

Nostalgic and relaxed

Sobrang nostalgic at relaxed ang pakiramdam kapag pinapanood at pinapakinggan si Marx kumanta, na wari ay dinadala ka niya sa mga panahon nang unang lumabas ang mga kanta niya at nabihag ka sa puro magagandang musika lamang o ika nga ay “the good old days.” 

Binati ni Marx ang mga excited na tagahanga sa mga kantang “Endless Summer Night” (1988) na  summer love song at inspired ng kanyang Hawaii trip sa dating asawang si Cynthia Rodes, “Take This Heart” (1992), “Satisfied” (1989 – 2nd of three consecutive #1 on Billboard 100), “Keep Coming Back” (1991) at “Hazard” (1992 – 3rd #1 on Billboard Adult Contemporary chart).  Sinundan ito ng “Chains Around My Heart” (1991) at “Until I Find You Again” (1997).

Si Marx din ang nagsulat at nag-produce ng iba pang iconic hits na “This I Promise You” (‘N Sync), “Dance With My Father” (co-written with Luther Vandross) at “To Where You Are” (Josh Groban).

Espesyal na bahagi rin ng show nang samahan siya ng kanyang tatlong anak na sina Brandon (guitar), Lucas (piano) at Jesse (drums) sa big screen kung saan tumugtog sila kasabay ng pag-awit ng kanilang ama sa kantang “Save Me.”

Sinabayan naman ng harmonized clap  ng fans ang tono ng “Angelia” nang hindi sinasadyang matanggal ang microphone at guitar amplifier habang kumakanta siya na ikinatuwa ng singer nang magsalita siya pagkatapos ng kanta.

Siyempre, ‘di nakumpleto ang gabi na hindi naririnig ang Should Have Known Better, Hold On to the Night, Now and Forever, Right Here Waiting at Don’t Mean Nothing na kanyang debut single.

Early beginnings

Maagang namulat sa musika si Marx sa murang edad pa lang dahil na rin sa impluwensiya ng amang si Dick Marx na isang jazz musician at jingle company founder. Nang siya ay teenager, nakilala niya si Lionel Richie at hinikayat siyang pumunta sa Los Angeles at nagsimulang maging backup vocals at songwriter para sa kanya hanggang kina Madonna, Whitney Houston at Barbra Streisand.

Nakatrabaho rin niya sina Kenny Rogers, Eagles, Chicago at David Foster. Hanggang sa nadiskubre siya ni Bruce Lundvall ng EMI/Manhattan Records at inilabas ang kanyang self-titled debut album. Ngayon, nag-iisa pa rin si Marx sa music history kung saan nasa top 5 ng Billboard charts ang kanyang unang pitong singles.

Naglabas din si Marx ng bagong all-original 11-track album, ang “Beautiful Goodbye” (2014) tampok ang “Whatever We Started,” “Suddenly,” “Inside,” “Beautiful Goodbye,” “Forgot to Remember,” “Turn Off the Night,” “Have A Little Faith,” “Like the World is Ending,” “To My Senses,” “Getaway” at “Eyes on Me” at bonus tracks na “Just Go” at “Moscow Calling.”

Lunes, Marso 28, 2016

Jericho Rosales, dumalo sa Osaka Asian Film Festival

Ni Florenda Corpuz

 Antoinette Jadaone, Dan Villegas at Jericho Rosales
kasama si Hiroyuki Yamamoto (moderator) sa symposium
na ginanap sa National Museum of Art, Osaka kamakailan.
(Kuha ni Din Eugenio)

Pinasaya ng aktor na si Jericho Rosales ang kanyang mga tagahanga sa Osaka nang siya ay bumisita sa lungsod para daluhan ang 11th Osaka Asian Film Festival (OAFF) kung saan ipinalabas ang kanyang pinakabagong pelikula na “Walang Forever.”

Pinangunahan ni Echo ang pagdalo sa festival kasama ang direktor na si Dan Villegas at screenwriter na si Antoinette Jadaone. Katambal niya rito ang aktres na si Jennylyn Mercado.

“To be here at OAFF means a lot to us because this is a proof that our film is special,” saad ng magaling na aktor na hindi ininda ang karamdaman para lamang makadalo.

Dumalo rin ang tatlo sa isang symposium na ginanap sa National Museum of Art, Osaka kung saan mas naipaliwanag nila ang tema ng kanilang pelikula at naibahagi ang kultura at kalagayan ng industriya sa Pilipinas.

“It’s my first time to attend a festival as a director so I’m really happy to be invited here by OAFF,” ani Villegas na dumalo rin noong nakaraang taon bilang producer naman ng pelikulang “That Thing Called Tadhana.”

Bigo man ang “Walang Forever” pati na rin ang “Sleepless” ng first time director na si Prime Cruz na maiuwi ang Grand Prix (Best Picture Award) na nasungkit ng Korean movie na “My Sister, The Pig Lady,” ay nakuha naman ng mga ito ang paghanga at respeto ng mga hurado at manonood mula Japan at iba pang bansa sa Asya.

Mainit din na tinanggap ang “Honoy Thy Father” na pinagbibidahan ni John Lloyd Cruz sa direksiyon ni Erik Matti na ipinalabas sa Special Programs (New Action! Southeast Asia) section ng OAFF.

Samantala, namasyal din si Echo sa mga popular na tourist spots sa Osaka tulad ng Umeda Sky Building at Dotonbori kung saan siya nakasalubong ng mga tagahangang OFWs. Tuwang-tuwa ang mga ito na makita ang idolong aktor na masaya namang nagpaunlak ng litrato.

“Thank you for the support. I know how hardworking OFWs are. Mahal ko kayo,” sabi ni Echo sa mga ito.

Ang Osaka Asian Film Festival ay taunang film festival na may temang “From Osaka to All of Asia!” Layon nitong pasiglahin ang ekonomiya ng lungsod at palakasin ang turismo nito sa pamamagitan ng pagbibigay ng pagkakataon sa mga manonood na makapanood ng mahuhusay na pelikulang Asyano at suportahan ang mga Asian filmmakers at filmmaking sa lungsod.

Aquino: Last 100 days in office

President Aquino (Malacanang Photo Bureau)
Parang kailan lamang ay nakita natin ang panunumpa ni Pangulong Benigno Aquino III bilang ika-15 pangulo ng bansa na humalili kay Gloria Macapagal-Arroyo. Taong 2010 nang humarap si Aquino sa mga taumbayan, na kanyang tinawag na kanyang boss, para magbigay ng talumpati at nangakong pangungunahan ang bansa sa “Daang Matuwid” na naging slogan ng kanyang administrasyon.

“Isandaang araw po ang nakalipas, nagpanata ako sa taumbayan: Hindi ko tatalikuran ang tiwalang kaloob ninyo sa akin. Ang nakalipas na isandaang araw ang magsisilbing tanda ng ating pong paninindigan,” pahayag ni Aquino ng una niyang makamit ang unang 100 araw ng pagsisilbi sa bansa noong Oktubre 7, 2010.

Sa pagpasok ng Marso 21, 2016 ay nagsimula naman ang huling 100 araw ni Aquino bilang lider ng bansa. Malalaman kung sino ang hahali kay Aquino pagkaraan ng halalan sa Mayo 9 habang opisyal na magtatapos ang kanyang panunungkulan sa Hunyo 30, 2016.

Sa isang press conference na ginanap kamakailan, sinabi ni Aquino na bagaman tatlong buwan na lamang ang natitira sa kanyang panunungkulan ay responsibilidad pa rin niya ang lahat ng mga magaganap sa mga panahong ito. Hanggang sa kahuli-hulihang segundo ay sisiguraduhin niya na ginampanan niya ang kanyang tungkulin ng 100 porsyento.

“I wish I had the luxury to be able to say that ‘this is the only thing I’d do’ or ‘majority of the time we will spend here.’  But the job of the President is to be responsible for everything all the time—before it happens, while it’s happening, and after it happened,” ani Aquino sa ulat na inilabas ng pahayagang Philippine Daily Inquirer.

Iginiit nito na hangga’t hindi pa natatapos ang kanyang termino ay tuluy-tuloy pa rin ang pagsasagawa ng mga proyekto sa ilalim ng kanyang administrasyon kabilang na ang pagkukumpleto sa rehabilitation at reconstruction project para sa mga naging biktima ng bagyong Yolanda.

Kasalukuyang hinaharap din ng administrasyong Aquino ang napipintong epekto ng El Niño phenomenon na sinasabing higit na mararamdaman ngayong panahon ng tag-init pati na rin ang pagkalat ng Zika virus.

Mga tagumpay at mga kontrobersiya

Aminado si Aquino na hindi siya naging perpektong pangulo ngunit aniya ay nagawa naman niya na mapabuti ang bansa sa pamamagitan ng pagpapataas sa ekonomiya ng bansa na noong 2015 ay umabot sa 6.8 porsyento ang economic growth habang umabos sa humigit-kumulang sa Php1.5 bilyon ang nalikom na buwis.

“Nevertheless, I can look anyone in the eye and say: I made the best decisions based on the information and the capacities we possessed at the time. My one and only interest is the well-being of my Bosses. I did all I could to forge a nation that is more just and more progressive—one that enjoys the fruits of meaningful change,” pahayag ni Aquino sa kanyang huling talumpati sa State of the Nation Address noong nakaraang taon.

Matatandaan na ipinagmalaki ni Aquino na sa ilalim ng kanyang administrasyon ay bumangon ang Pilipinas mula sa pagiging “sick man of Asia” ay naging “Asia’s Rising Tiger.” Ipinagmalaki rin ni Aquino ang “Daang Matuwid” na plataporma ng kanyang administrasyon na dahilan kung bakit nanumbalik ang tiwala ng taumbayan at ng mga banyaga dahilan para lumobo sa $6.2 bilyon ang direct foreign investments sa bansa.

Bukod dito, umabot din sa 4.4 milyong Pilipino ang naging household beneficiaries ng Pantawid Pamilya Pilipino Program, the conditional cash transfer program na ipinatupad ng administrasyon.

Niyanig din ng ilang isyu at kontrobersiya ang administrasyongAquino katulad ng kasong plunder ni ginang Arroyo, ang Priority Development Assistance Fund (PDAF) o “pork barrel” na kinasangkutan ng ilang malalapit kay Aquino gaya ni Secretary butch Abad, paghawak sa rescue at rehabilitation program para sa mga biktima ng bagyong Yolanda, at ang insidente sa Mamasapano, Maguindanao kung saan 44 sundalo ang napatay.

Pag-endorso ng kandidato

Pinangalanan ni Aquino si Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Mar Roxas bilang presidential standard bearer ng kanyang partido, Liberal Party (LP), para sa darating na halalan.

Matatandaan na si Roxas ang standard bearer ng LP noong 2010 elections ngunit nagparaya ito matapos lumakas ang sigaw ng publiko sa pagtakbo ni Aquino.

Sa ilang pagtitipon at kaganapan ay iniendorso ni Aquino ang kandidatura ni Roxas na aniya ay magpapatuloy ng Daang Matuwid na kanyang nasimulan.

“Dapat masiguro ko sa inyo, bago ako umalis, nasa mas maayos na kalagayan kayo na aking mga boss. Mahalaga pong masiguro na ang mga susunod na pinuno ay itutuloy ang Daang Matuwid.

“Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, ang kailangan ay ang kapareho ng ating pananaw, ang nagmamahal sa Pilipino at tiyak na uunahin ang bayan bago ang sarili. Walang iba po kundi ang tambalang Mar (Manuel) Roxas at Leni Robredo,” ani Aquino ng sumama ito sa pangangampanya.
Gaya ng kanyang tinuran sa SONA 2015, hahayaan niya ang kasaysayan na maghusga sa kanyang mga nagawa bilang pangulo ng bansa.

“I will let history decide. As I did during my mother’s wake, I will once again speak the words from 2 Timothy, Chapter 4, Verse 7. And I quote, ‘I have fought the good fight, I have finished the race, I have kept the faith’”.