Ni
Florenda Corpuz
Kuha ni Din Eugenio |
Isa ang award-winning Filipino
filmmaker na si Brillante Mendoza sa apat na direktor mula Southeast Asia na
napili ng organizers ng prestihiyosong 30th Tokyo International Film
Festival (TIFF) at The Japan Foundation Asia Center para magrekomenda ng
pelikula na ipapalabas sa “Crosscut Asia #04: What’s Next from Southeast Asia” section
ng prestihiyosong festival.
Ipapalabas sa seksyon na ito ang “work
from young filmmakers in Southeast Asia recommended by maestros in the same
region.”
Una nang ipinalabas sa tatlong
edisyon ng Crosscut Asia ang mga pelikula mula sa Pilipinas, Thailand at
Indonesia.
Nasa 10 Pinoy indie films na
kinabibilangan ng limang pelikula ni Mendoza ang “Taklub,” “Thy Womb,”
“Serbis,” “Lola” at “Foster Child” ang ipinalabas sa Crosscut Asia #02 section
na tinawag na “The Heat of Philippine Cinema” noong 2015.
Ipinalabas naman ang kanyang
omnibus film na “Shiniuma” na co-production project ng TIFF at The Japan
Foundation Asia Center sa “Asian Three-Fold Mirror” ng festival noong 2016.
“Maganda ang experience ko rito sa
TIFF. Nakita ko sa Japanese audience ang interes nila sa pelikula natin,” sabi
ni Mendoza sa panayam ng Pinoy Gazette noong TIFF 2015.
Makakasama ni Mendoza sa pagpili
ang mga direktor na sina Tran Anh Hung (Vietnam), Apichatpong Weerasethakul
(Thailand) at Garin Nugroho (Indonesia).
Tinatayang 10 pelikula ang
makakasama sa line-up mula sa mga bansa sa Southeast Asia.
Ang 30th Tokyo International
Film Festival (TIFF) ay gaganapin mula Oktubre 25 hanggang Nobyembre 3 sa
Roppongi Hills at iba pang lugar sa Tokyo.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento