Lunes, Agosto 7, 2017

Pinakamalaking indoor illumination tampok sa summer festival ng Sanrio Puroland


Tradisyon na sa iba’t ibang lugar sa Japan ang pagsasagawa ng summer festivals o matsuri tuwing panahon ng tag-init. Dahil dito ay gumawa ang Puroland, ang mecca ng mga Hello Kitty fans sa buong mundo, ng sarili nitong matsuri tampok ang mga paborito nating Sanrio characters sa pangunguna nina Hello Kitty at My Melody.

Mula Hulyo 15 hanggang Setyembre 3 ay mararanasan ng mga Hello Kitty fans ang naiibang matsuri na may temang “Summer Illumination” kung saan papailawan ang mahigit sa kalahating milyong light bulbs.

Maaaring pumili ang mga bisita ng theme park sa dalawang klase ng matsuri: ang “Daytime Character Festival” at ang “Nighttime Illumination Festival” na isasagawa buong araw na bukas ang Puroland.

Papangunahan ni Hello Kitty ang “Daytime Character Festival” kung saan may pop illumination show na tatawaging “Sparkle.” Magtatayo rin ng mga stalls kung saan makakabili ng mga espesyal na Hello Kitty at Gudetama items. Magsasagawa rin ng “Cinnamoroll Bon Dance Festival” kung saan aanyayahan ang lahat na makisayaw kasama ang mga Sanrio characters para sa naiibang Puroland festival style.

Sa “Nighttime Illumination Festival” naman ay mapupuno ng ilaw ang main area na lilikha ng romantikong kapaligiran. Sisimulan ito sa pamamagitan ng isang taiko drum performance. Magsasagawa rin ng nighttime festival marching parade kung saan iimbitahan ang mga bisita na makikanta at makisayaw kasama ang mga paboritong Sanrio characters.

“Our summer festival is a much loved and popular event at Puroland and always features exciting new shows. As the number of foreign visitors per year increases, we would like to offer them the unique experience of a traditional Japanese Matsuri but with Sanrio characters.

“This is something special and only possible at Puroland. We subsequently launched a multilingual mobile site for our international fans making the communication easier,” pahayag ni Kentaro Kawai ng Sanrio Entertainment’s Puroland Sales Department.

Ito ang unang pagkakataon na gagamit ang Puroland ng crowdfunding bilang paraan para kasamang ilikha ang summer festival kasama ang mga bisitang dadalo rito. Ang mga sponsors ay maaaring pumili sa mga personalized presents kabilang ang “name plates for a sponsors’ wall” at “paper lanterns” na rito lamang makikita sa summer festival.


Ang Sanrio Puroland ay matatagpuan sa 1-31 Ochiai, Tama, Tokyo. Ito ay mararating 30 minuto sa pamamagitan ng train mula sa Shinjuku at isang oras naman mula sa Tokyo Station.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento