Miyerkules, Agosto 2, 2017

Organic farming nagiging popular sa Visayas sa tulong ng Japanese volunteers

 Ipinakilala ni JOCV Natsumi Tanida (kaliwa) ang paggamit ng
silver mulch sa kanyang counterpart mula sa San Jose de Buenavista, Antique
Unti-unti nang nagiging popular ang organic farming sa Antique sa tulong ng mga Japanese volunteers na nakatutulong upang makahanap ng alternatibong paraan para kumita ang mga lokal na magsasaka rito.

Itinuturo ng isang grupo ng Japan Overseas Cooperation Volunteers (JOCV) sa mga magsasaka ang bagong paraan para mapalago ang organic na ani gamit ang recycled material at rice straw mulching, isang pamamaraan na ginagamit para mapabuti ang kundisyon ng lupa.

“I’m teaching farmers how to recycle snack wrappers and use it as soil protection to help balance soil temperature and prevent weeds,” ani JOCV Natsumi Tanida na nagtapos ng agrikultura sa Tokyo University of Agriculture at isa rin na agriculture trainor sa Miyako Islang bago nagtungo sa Pilipinas.

Hinuhugasan ang mga snack wrappers at magkakasamang tinatahi para takpan ang lupa na ayon kay Tanida ay makatutulong para sipsipin ang init at matiyak na ang ani ay hindi madaling malanta.

Bukod kay Tanida, isa pang Japanese vounteer na si Wakana Horikiri ang nagpapakilala sa rice straw mulching sa Antique. Nakatutulong ang rice straw mulch para protektahan ang lupa mula sa kahalumigmigan (moisture) at maputik na tubig tuwing panahon ng tag-ulan.

Ayon kay Horikiri, ang pamamaraang ito ay makatutulong para maiwasan ang sakit sa mga prutas at gulay.

Ipinapakilala rin niya ang Japanese technique na “mokusaku” gamit ang wood vinegar bilang alternatibo sa chemical fertilizers, ang kauna-unahan sa Antique.

“Wood is a readily available material for farmers and with the mokusaku, farmers can save money instead on spending on chemical sprays,” ani Horikiri.

Karaniwan ay nagkakahalaga ng 250 piso ang isang litro ng chemical spray habang ang mokusaku ay nagkakahalaga lamang ng Php100.

“Working with a Japanese volunteer like Horikiri is a good opportunity to gain more knowledge and ideas on how to promote organic farming to our municipality and farmers,” ani Frenzei-An Ronquillo na isang agricultural technician mula Sebaste, Antique.

Sumasang-ayon ang mga batang Japanese volunteers na ang organic farming ay maaaring maging bahagi ng economic future ng Visayas. 

“Filipino farmers are very hard working. They are open to learning new things and are very helpful. They just need support to improve their skills in organic farming to give them better opportunities,” pahayag ng mga Japanese volunteers.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento