Martes, Agosto 1, 2017

Retro keyboard Penna brings back the nostalgic feeling of using a typewriter

Penna keyboard
Kapansin-pansin ang sunud-sunod na pagbabalik-eksena ng mga bagay na tinaguriang ‘vintage’ o ‘retro’ na dati’y mga mahahalagang kagamitan bago dumating ang internet at teknolohiya gaya ng kamakailan na paglulunsad ng Nokia 3310 na mas moderno ngunit nananatiling tradisyonal, nariyan din ang muling pagsikat ng vinyl sa musika, film cameras, at wooden radios.

Ngayon, maaari ka nang mag-type sa iyong smartphone o tablet na walang kahirap-hirap at magagawa mo na rin ulit mag-type na gaya sa isang typewriter sa pamamagitan ng wireless bluetooth keyboard na idinisenyo sa isang traditional typewriter na tinatawag na Penna, isang Kickstarter project ng American company na Elretron Inc., na binuo sa loob ng tatlong taon.

Taong 1874 nang ipakilala ang mga commercial typewriters ngunit mid-1880s na nang maging permanenteng kagamitan na ito sa mga opisina, private homes at ng mga professional writers.  

Functionality and style but old-school

May sukat itong 267.4mm upper width (slots for iPad, Galaxy Tab, smartphones), 194.7mm na length, 330.8mm bottom width at may bigat na 800g. May dalawang AA battery ito at may anim na buwang maximum standby time. Limang kulay naman ang mapagpipilian – matte black, pure white, baby pink, olive green, at wood.

At ang keyboard style nito ay may dalawang klase – diamond-shape keycaps (rounded corners for accurate typing, smooth feeling) at retro chrome keycaps (with blue type mechanical switch, like a real vintage typewriter). Gawa ang keycaps ng German company na Cherry GmBH, isang mechanical switch system manufacturer.

Maging ang tunog ng typewriter ay nagagawa ng Penna sa pamamagitan ng Cherry switch na itinuturing na pinaka-advanced switch technology. Gamit ito, may tatlong mechanic switch options ang Penna – Cherry mx red switch (for fast, quick typing, less noise, suitable for office), Cherry mx blue switch (click sound, typewriter-like feeling, for accurate typing) at brown switch (for typing or gaming, office set-up) na pwedeng pagpilian depende sa klase ng ‘clickiness’ na gusto ng gumagamit.
Kung sa dating typewriter, ang macro bar sa kaliwa ay ginagamit para itaas ang papel o para mag-umpisa ng bago, sa Penna ay ginagamit na ito para mag-save ng keys, mga salita, pangungusap na madalas mo na ginagamit sa simpleng one-time press lang. Gamit din ang macro bar may tatlong modes ito – record mode (pull up the bar), wait mode (press down), at transfer mode (press down slightly).

Connectivity, support, multi-media features

Ang koneksyon nito ay gumagamit ng wireless bluetooth 4.2 (for automatic pairing, battery efficiency). Multi-pairing din ito at pwedeng i-connect ang limang devices at gamitin lang FN+F1 – F5 depende sa kung pang-ilan ang connected device. Suportado rin nito ang iba’t ibang operating system – Windows, Android at iOS kaya’t maaaring gamitin ang anumang klase ng smartphones ngayon.

Gaya ng computer keyboards, pwede rin gamitin ang keycaps para i-adjust ang multi-media features gaya ng brightness, volume, at may sleep mode pa.

May ginawa rin ang Elretron na exclusive pouch para sa Penna (sold separately) na may compartments para sa mouse, mobile pad, earphones, smartphone, earphones, at pen na sakto sa mga laging on-the-go para sa eskwelahan, opisina, bahay, airport, at cafe para madali itong dalhin kahit saan.

Available na ang Penna for pre-orders sa Kickstarter.com at may halagang $89 (early-bird backers) at $99 starting regular price. Nakatakda ang shipping nito ngayong Agosto. At dahil baguhan pa ang Elretron, inaaasahan ang mga pagbabagong gagawin nito sa layout at disenyo ng Penna.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento