Martes, Agosto 1, 2017

Ramen with Pinoy twist: Combining Filipino favorites’ dinuguan and bagnet


“Feeling gloomy this rainy season? Wake up your senses with some of the country’s beloved dishes – mixed up with a Japanese twist!”

Iyan ang nakakaengganyong caption sa Facebook page ng Bitesized.ph, sa exciting mash-up recipe na tinawag nitong Dinuguan Ramen with Bagnet.

Ang Bitesize ay isang Pinoy grub culture website – ‘your go-to resource for binge-worthy recipes and food marvels’ -- na nagbabahagi ng mga kakaibang kumbinasyon ng samu’t saring Pinoy and international recipes na bagay sa mga Pinoy na mahilig magluto.

At dahil maagang pumasok ang tag-ulan sa Pilipinas buwan pa lang ng Hunyo at maging dito sa Japan ay kalat-kalat din ang pag-ulan at pagkidlat ay swak na swak subukang lutuin ang hindi pangkaraniwang ‘ramen with Pinoy twist’ recipe. Bagay ito sa mga naghahanap ng pambihirang klase ng ramen sa kumbinasyon ng kulturang Japanese at Filipino.

Warmly soothing: Spiced-up traditional ramen

Ang servings nito ay dalawa hanggang apat at isang oras at 15 minuto ng preparation-cooking time. Para sa mga sangkap, ihanda ang mga sumusunod: 

Para sa pork stock: kalahating kilo ng baboy na hiniwa ng maliliit, asin, anim na tasa ng tubig, dalawang piraso ng bay leaves,  isang kutsara ng pamintang buo, isang maliit na pulang sibuyas na hinati sa apat at isang pirasong pork broth cube. 

Para sa dinuguan soup: dalawang kutsara ng mantika, isang piraso ng puting sibuyas, apat na piraso ng bawang, ginadgad na luya, tatlong tasa ng pork stock, isang tasa ng dugo ng baboy, isang bungkos ng tanglad, dalawang piraso ng siling haba, kalahating tasa ng suka, isang kutsarita ng asukal, asin at paminta.

Para sa pag-assembly: dalawang tasa ng sariwang ramen noodles, hiniwang bagnet, tinadtad na spring onions, itlog ng pugo.

Some of the most-craved Pinoy dishes of OFWs and balikbayans

Narito naman ang paraan ng pagluluto:

Para sa pork stock ay lagyan ng asin ang karne saka ito pakuluan sa tubig para palambutin. Isama rito ang bay leaves, pamintang buo, sibuyas at pork broth cube. Hayaan lang ito kumulo hanggang maluto ang karne at ‘pag luto na ay hayaan muna itong nakasalang nang 20 pang minuto. Saka ito tanggalin sa kalan (cool for awhile) at pwede nang salain at ihiwalay ang karne.

Para sa dinuguan soup naman ay igisa ang sibuyas, bawang at luya hanggang sa lumabas ang mabangong amoy nito. Idagdag ang pork stock at karne at ihalo na ang dugo at hintaying kumulo habang hinahalo. Isunod naman ang tanglad, siling haba at suka at hayaang kumulo hanggang tuluyan nang manuot ito sa sabaw. Tanggalin ang tanglad at siling haba, pagkatapos ay timplahan na ito ng paminta, asin at asukal.

Sa pag-assemble, lutuin ang ramen sa loob ng isang minute at saka salain ito habang hinuhugasan sa malamig na tubig. Kumuha ng malaking mangkok at ilagay na ang dinuguan soup at noodles, saka ihalayhay ang lutong bagnet, itlog ng pugo, siling haba at lasona.

Savor the flavor

Pwedeng-pwede mo nang lasapin ang sarap ng traditional ramen ng mga Japanese at paboritong dinuguan at bagnet na ulam ng mga Pinoy.

Bagaman nasa Japan ang maraming Pinoy, maaari pa rin naman lutuin ang dinuguan at bagnet kahit nasaan basta’t susundin lang ang tradisyonal na paraan ng pagluluto nito. Kung may kaibigang magagawi sa Ilocos Norte, maigi na rin ang  magpabili na para sa authentic crispy-savory Ilocos bagnet. Sa Batac at Paoay, Ilocos Norte, nariyan ang Malabed Toledo Snack Hauz na mula 1960 pa ay gumagawa na ng bagnet at Herencia’s Restaurant at Marsha’s Delicacies sa Bantay at Vigan, Ilocos Sur.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento