Dumating sa Japan ang 16 na
Pilipino mula sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno at non-profit organization
para matuto ng disaster management dito kamakailan.
Pinadala sila ng Japan
International Cooperation Agency (JICA) sa ilalim ng “Knowledge Co-Creation
Program for Young Leaders (KCCP)” para magsanay sa iba’t ibang kurso tulad ng water
resources management, science and mathematics in basic education, agribusiness,
agri eco-tourism at disaster management.
Binisita nila ang rehiyon ng
Tohoku, ang epicenter ng 2011 Great East Japan Earthquake and Tsunami noong
nakaraang buwan at natutuhan ang reconstruction at rehabilitation practices
mula sa natural disasters, disaster preparedness systems, at interaksyon sa mga
apektadong komunidad at lokal na organisasyon na kabahagi sa renewal at revitalization
ng lugar.
Napili ang mga batang opisyal mula
sa Departments of Interior and Local Government (DILG), Public Works and
Highways (DPWH), Education (DepEd), National Economic and Development Authority
(NEDA), Bureau of Fire Protection (BFP), Office of Civil Defense (OCD),
Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), at lokal na
pamahalaan ng Antique, Benguet, Bohol, Iriga City, Malabon City, Eastern and
Northern Samar, pati na rin ang non-profit group Philippine Disaster Resilience
Foundation bilang kinatawan ng Pilipinas ngayong taon.
“Japan took years to develop its
disaster management system and we continue to learn from our experiences and share
it with partner countries like the Philippines,” ani JICA Chief Representative
Susumu Ito.
“We are confident that the chosen
delegates possess the energy and enthusiasm to contribute to the Philippines’
disaster resiliency efforts,” dagdag pa niya.
Nakapagpadala na ng mahigit sa
15,000 Pilipino ang JICA sa Japan sa ilalim ng KCCP.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento