Sacred Island ng Okinoshima at Associated Sites sa Munakata Region ( Kuha mula sa World Heritage Promotion Committee) |
Binigyan ng United Nations
Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) World Heritage
status ang walong sites sa southwestern Japan kamakailan.
Nagdesisyon ang UNESCO sa Krakow,
Poland na italaga ang isla ng Okinoshima at kalapit na tatlong reefs at apat na
iba pang sites sa Fukuoka Prefecture na isama ito sa listahan.
Inirekomenda ng pamahalaang Hapon
sa U.N. cultural agency na mapasama ang isla ng Okinoshima at pito pang sites
bilang “Sacred Island of Okinoshima and Associated Sites in the Munakata
Region” sa listahan.
“Located 60 km off the western
coast of Kyushu island, the island of Okinoshima is an exceptional example of
the tradition of worship of a sacred island. The archaeological sites that have
been preserved on the Island are virtually intact, and provide a chronological
record of how the rituals performed there changed from the 4th to the 9th
centuries CE.
“In these rituals, votive objects
were deposited as offerings at different sites on the Island. Many of them are
of exquisite workmanship and had been brought from overseas, providing evidence
of intense exchanges between the Japanese archipelago, the Korean Peninsula and
the Asian continent. Integrated within the Grand Shrine of Munakata, the island
of Okinoshima is considered sacred to this day,” saad sa pahayag ng UNESCO.
Magugunitang hindi sinang-ayunan ng
UNESCO ang payo ng International Council on Monuments and Sites (ICOMOS) na huwag
isama ang apat na sites na kinabibilangan ng ancient tombs sa northern tip ng
Kyushu at dalawang Munakata Taisha Shrine pavilions, at sa halip ay sumang-ayon
sa rekomendasyon ng Japan.
Itinalaga naman bilang national
treasures ang humigit-kumulang sa 80,000 items na natagpuan dito.
Sa kasalukuyan ay mayroon ng 21
sites ang Japan sa UNESCO World Heritage list kabilang ang Okinoshima.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento