“As this store is in an area of great cultural significance,
we feel a responsibility to be the stewards of the building’s traditional
architecture and ensure that it remains an integral part of its historic
neighborhood for many years to come,” ang pahayag ni Starbucks Coffee Japan CEO
Takafumi Minaguchi sa panayam ng CNN.
Pinangalanan ang naturang bagong coffee house na Starbucks Coffee Kyoto Ninen-zaka Yasaka Chaya branch, na
binuksan sa publiko kamakailan at matatagpuan sa preserved historic district ng
Kyoto.
Sa
pangkalahatang 1,260 Starbucks branches na nasa buong Japan kung saan 26 dito
ay matatagpuan sa Kyoto, ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagbukas ang
American coffee house giant ng traditional Japanese-designed Starbucks na
taliwas sa nakasanayan ng itsura ng Starbucks na gawa sa bakal at salamin ang
loob at labas nito.
Ang Japan ang
unang international market ng Starbucks sa labas ng North America simula pa
1996 at 21 taong na ang makalipas ay nananatiling ikaapat ang Japan sa
pinakamalaking market ng kumpanya sa buong mundo.
Ingenious art house: Traditional Kyoto aesthetics and
Starbucks café culture
“Walking through the ‘noren’ at the entrance and venturing
inside, we want customers to experience a feeling of being inside a traditional
Kyoto ‘machiya’ wooden
townhouse,” ang pagpapatuloy ni Minaguchi sa layunin at konsepto na nasa likod
ng Starbucks Kyoto Ninen-zaka.
Isa pa sa pangunahing atraksyon nito ay hindi nagtayo
ng bagong istruktura ang kumpanya kundi ginawan lamang ng minor renovations ang
isang 100-taon na tradisyonal na dalawang palapag na Japanese townhouse o
tinatawag na “machiya.”
Medyo naiiba rin ang nasabing machiya dahil ito lang
ang natatanging istruktura na may “daibeizukuri”
(walled-fence) na siyang humihiwalay dito sa mismong kalsada kumpara sa mga
katabi nitong 19th-century Japanese shrines at townhouses. Isa ito sa mga elementong
pinanatili ng Starbucks bilang pagkilala at pakikibagay sa katangi-tanging
kultura ng itinuturing na historic district ng Japan.
Hindi naman ito ang unang pagkakataon na naglunsad
ang Starbucks ng nakakamanghang disenyo sa kanilang branch, gaya na lang ng
Starbucks Dazaifu na idinisenyo ng Japanese architecture firm Kengo Kuma and
Associates at matatagpuan sa port city ng Fukuoka.
A time capsule back to the Meiji and Taishō era
Makilala lang na isang Starbucks branch ito dahil sa
kulay indigo na noren curtains na may Starbucks logo na nasa bungad, na siyang
tanging pagkakakilanlan nito na malayo sa karaniwang neon-lit Starbucks logo.
Pagpasok mo pa lang ay parang bigla kang ibinalik
nito sa panahon ng Meiji at Taishō. Pagkalampas mo sa noren curtains, makikita mo ang isang mahaba at
makipot na hallway na pinapasukan ng mahiwagang sikat ng araw. Nakadugtong ito
sa espresso bar counter at isa sa tatlong courtyards, at ang bawat courtyards
naman ay may garden at ‘tsukubai’ o stone water basins.
Sa ikalawang palapag, kinakailangan nang iwanan ang
sapatos sa pintuan nito bago pumasok sa tatlong kwarto na may “tatami” flooring
at “zabuton” cushions na gawa sa “chirimen” (kimono fabric) mula sa Tango
region ng Kyoto.
Tunay nga namang ibang klase ng relaxation at coffee
house experience ang mararanasan dito sa
Starbucks Ninen-zaka, isang pagkakataon na ‘di dapat palampasin at
kalauna’y magiging isang pangunahing tatak ng makasaysayang Kyoto.
Mula sa Starbucks, ang cobblestoned street na ito ay
diretso rin sa Yasaka Jinja Shrine at UNESCO World Heritage na Kiyomizu-dera
Temple. Bukas ito Lunes hanggang Biyernes,
8:00am-8:00pm at ang eksaktong address nito ay 349
Banchi, Masuya-cho, Shimogawara Higashi-iru, Kodaiji Minamimon-dori,
Higashiyama-ku, Kyoto.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento