Miyerkules, Nobyembre 8, 2017

7th Likhang Habi Market Fair 2017: Pagbibida sa tradisyonal na tela at komunidad ng paghahabi



These fabrics are part and parcel of our Filipino Identity and tradition, a singular and colorful part of the Philippine culture. They are mostly woven by women in rural areas using traditional native fibers and looms,” ang pahayag ni Maribel Isabel Ongpin, founder ng HABI: The Philippine Textile Council.
Pinangungunahan ng naturang institusyon ang adbokasiya na tulungan at mapagyabong ang mga maraming katutubong komunidad ng paghahabi sa bansa, na natatagpuan sa malalayong probinsiya gaya na lang sa Northern Cotabato, Sulu, Ifugao, Benguet, Bukidnon, Aklan, Antique, Iloilo, at napakarami pang komunidad sa iba’t ibang panig ng bansa, na may katangi-tanging talento at kultura na makikita sa kanilang mga “indigenous woven textiles.”

Support the Habi lifestyle

Tuwing Oktubre, idinadaos ang Likhang Habi Market Fair na organisado ng HABI: The Philippine Textile Council at kamakailan ay inilunsad ang ikapitong edisyon nito sa Glorietta Activity Center sa loob ng tatlong araw na fair.

Para sa mga taong nasa likod ng institusyon, isang malaking tungkulin at mahalagang adhikain at katuparan ang kadahilanan ng kanilang ginagawa – ang pagkilala sa paghahabi (weaving) bilang isang mahalagang sangay ng panlalawigang ekonomiya, na nakakaapekto rin sa kabuuang takbo at estado ng ekonomiya ng ating bansa.

Ani Ongpin, kapag sinusuportahan ng lahat ng mamamayan ang industriya ng paghahabi sa pamamagitan ng pagtangkilik, pagkilala, pagrespeto, at pagbibigay ng nararapat sa mga katutubong komunidad at ng kanilang kultura na siyang may-gawa at pinanggalingan ng mga tinatawag na indigenous woven textiles, ay nakakatulong tayo sa paglago ng kanilang pangkabuhayan, gayon din ang kanilang estado ng pamumuhay habang lumalawak din ang naaabot ng kanilang pinaghirapang mga produkto.

Lahat din ng malilikom na kita mula sa market fair ay ginagamit para sa patuloy na pagsusulong sa industriyang ito, kung saan ang mga miyembro ng HABI ay pumupunta sa mga malalayong lugar para suriin ang mga kundisyon ng mga manghahabi na kadalasa’y mga kababaihan, gayon din ang hikayatin sila at magbigay ng tulong para maging madali ang pakikipag-kolaborasyon sa mga commercial buyers at mga negosyante.

Exquisite woven textiles turned into edgy pieces and crafts with touch of class and tradition

Ilan lamang sa mga vendor participants na nagtatampok ng mga produktong mula sa mga magaganda at mayaman sa kulturang mga indigenous woven textiles ng bansa ay ang Etniko Pilipino, La Herminia Piña Weaving ng Old Buswang Kalibo, Aklan, at Rurungan sa Tubod Foundation.

Kasali rin ang Herman & Co, PJ Arañador, Gifts & Graces, Beatriz Accessories, Good Luck, Human, Twinkle Ferraren, Hola Lili & Risque Designs, Tsaa Laya, Manila Collectible, at Filip+Inna.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento