Ni
Florenda Corpuz
Ginawaran ni Pangulong Rodrigo Duterte ng Order of Sikatuna with the Rank of Raja (Grand Collar) ang
namayapang dating Prime Minister ng Japan na si Takeo Fukuda para sa kanyang mga
pagsisikap sa pagpapabuti ng relasyon ng Japan sa mga bansa sa timog-silangang
Asya.
Ang Order of Sikatuna ay binuo
noong 1953 at ibinibigay ng Pangulo ng Pilipinas sa mga indibidwal na nagbibigay
ng natatanging serbisyo para sa bansa. Iginagawad din ito sa mga diplomats, opisyal
at dayuhan na nagbigay-serbisyo na nakatulong sa pagpapabuti at pagpapatibay ng
relasyon ng Pilipinas at ng bansa kung saan sila nakatalaga.
Tinanggap ni dating Prime Minister
Yasuo Fukuda ang posthumous award para sa kanyang ama sa isang seremonya na
ginanap sa Imperial Hotel sa Tokyo kamakailan.
Ayon sa parangal, ipinagkaloob kay
Fukuda ang prestihiyosong parangal para sa kanyang “significant role in helping
usher in an era of cooperation, peaceful relations, trust and friendship
between Japan and ASEAN, through his articulation of the ‘Fukuda Doctrine’ on
18 August 1977 during his visit to Manila.”
“For
his unequalled leadership in shaping and guiding Japan’s relations with the
nations of Southeast Asia including the Philippines, such that Japan has become
one of the staunchest supporters of ASEAN centrality and unity, regional
stability, connectivity and overall development,” saad pa rito.
Si
Fukuda ang ika-42 prime minister ng Japan na nanungkulan mula 24 Disyembre 24,
1976 hanggang Disyembre 7, 1978. Namatay siya dahil sa sakit na chronic
emphysema sa edad na 90.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento