Ni
Florenda Corpuz
Mula sa kaliwa: Sina Professor Wang Ming, Pasuk
Phongpaichit, Chris Baker, Master Kong Nay, at
Fukuoka City Mayor Takashima Soichiro.
|
Iginawad ng Fukuoka City sa apat na
indibidwal mula sa iba’t ibang bansa ang prestihiyosong Fukuoka Prize 2017 bilang
pagkilala sa kanilang kontribusyon sa larangan ng akademya, sining at kultura.
Sa award ceremony na ginanap sa
ACROS Fukuoka Symphony Hall kamakailan ay tinanggap ng mag-asawang Pasuk
Phongpaichit, 71, isang economist at propesora mula Thailand at Chris Baker,
69, isang historian mula U.K. ang Grand Prize.
Nakuha naman ni Professor Wang Ming,
58, isa sa mga lider ng NGO (non-governmental organization) studies at
environmental governance sa China ang Academic Prize. Ibinigay naman sa Cambodian
arts legend na si Master Kong Nay, 73, ang Arts and Culture Prize.
Pinangunahan ni Fukuoka City Mayor
Takashima Soichiro ang seremonya na pinatingkad ng presensya nina Imperial
Highness Prince Akishino, ang pangalawang anak na lalake ni Emperor Akihito, at
kanyang kabiyak na si Princess Kiko.
Iginawad ng alkalde sa mga
laureates ang mga sertipiko kung saan ang cover ay gawa sa Hakata textiles na
itinuturing na pinakasikat na traditional art craft sa Fukuoka, at medalya na
hango sa cotton rosemallow ang disenyo na siyang opisyal na summer flower ng
lungsod.
Bukod sa mga ito ay may prize money
din na tinanggap ang apat na laureates –
¥5,000,000 yen para sa Grand Prize, ¥3,000,000 para sa Academic Prize at
¥3,000,000 para sa Arts and Culture Prize.
Nagpahayag naman ng pasasalamat ang
apat sa pagkilalang kanilang natanggap mula sa Fukuoka City.
“I am proud because this is a mark
of recognition and especially proud of what this prize stands for,” ani Pasuk.
“It celebrates the great diversity
among people, it is dedicated to peace and it encourages cultural exchange and
peace, harmony and justice. These are creations that have motivated our work,”
dagdag pa niya.
“This is the first time the prize
was awarded to a couple,” ani Baker. “Somehow in our case, one plus one is
equal more than two. We made something out of our differences - female and
male, Thai and English, East and West, economics and history,” aniya.
“Today again with the world seeing
another point of change and great uncertainty, the aspiration underlying this
prize are more important than ever,” pagtatapos niya.
Kinilala ng Fukuoka City ang
kontribusyon ng mag-asawa para sa kanilang “multidisciplinary and comprehensive
analysis of the social changes which Thailand has experienced since the period
of rapid economic growth in the 1980s.”
Ang Fukuoka Prize (dating Fukuoka
Asian Culture Prize) ay inilunsad noong 1990 upang i-promote at maunawaan ang
natatanging kultura ng Asya at isulong ang kapayaaan sa rehiyon.
Magugunitang ginawad sa Filipino
historian at manunulat na si Dr. Ambeth R. Ocampo ang Academic Prize noong nakaraang
taon.
Bukod sa kanya ay kinilala rin ang
kontribusyon ng ilan pang mga Pilipino noong mga nakaraang taon: Leandro V.
Locsin (architect, Arts and Culture Prize 1992), Marilou Diaz-Abaya (filmmaker,
Arts and Culture Prize 2001), Reynaldo C. Ileto (historian, Academic Prize 2003)
at Kidlat Tahimik (filmmaker, Arts and Culture Prize 2012).
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento